Tatay na Inabandona na ng mga Anak, Tinulungan ng isang Grupo na Magkakaibigan
Isang nakakaantig na kwento ang ibinahagi ng isang netizen na si Shawn Mendoza, tungkol sa isang lalaki na kanilang naririnig na umaatungal sa sakit habang sila ay nakatambay sa Caloocan City. Kalunos lunos rin ang kalagayan ng matanda ayon sa mga kwento nito.
Ayon sa post ni Shawn, ay mga bandang alas-dos ng hapon, nakatambay sila sa isang tindahan sa Katuray St. ng barangay 179, Amparo, Caloocan City, ay narinig nila ang boses ng isang lalaki na sumisigaw sa sakit, kaya tinignan nila ito at nakita na nakahandusay ang lalaki, walang saplot pang ibaba at puno ng dumi, humihingi rin daw ito ng softdrinks ngunit walang mabilhan kaya tubig nalang ang kanilang iniabot.
Nagsimula naman magtanong ang grupo nila Shawn at sinasagot naman ito ng matanda.
Siya si ARMANDO VILLOTA, 7O+ years old at nagkaroon ng stroke dalawang beses, hiwalay sa asawa't mayroong tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae at lahat silang tatlo ay napagtapos niya sa magagandang skwelahan at sa ngayo'y lahat sila'y nasa ibang bansa na. Hindi namin sigurado kung nasa Canada ba lahat ng anak niya, pero ang sigurado kami nasa ibang bansa silang lahat.
Nakakapagtaka lang na kung lahat ng mga anak niya ay nasa ibang bansa ay bakit gano'n ang kalagayan niya. Sobrang daming tanong ang naglalaro sa isipin ko pagkatapos niyang ikwento ang mga 'yon.
Hanggang sa nakausap ko nga ang ilan sa kamag anak niya, nasabi nila saakin na matagal na daw nila inilapit sa barangay si tatay Armando para hanapan ito ng paraan, pero wala naman silang napala. Nasabi rin nila saakin na talaga ngang inabandona na siya ng mga anak nito at ipinasa rin nila sa akin ang screenshots habang hinihingan ng tulong financial ang mga anak ni tatay armando, pero ang mga sagot lang nito ay sobrang nakakadurog ng puso't para bang hindi nila ama ang nangangailangan. Hindi ko talaga alam kung ilalabas ko pa yung mga screenshots.
Matapos nga nang pakikipag-usap ko sa kanila ay napag-desisyonan na nga namin na bago kami magsi-uwi ay kami nalang magkakaibigan ang magpaligo kay tatay, maglinis ng tinutuluyan niyang bahay, at mag-asikaso sa kanya sa pagkain dahil nga sa hinang hina na talaga siya at hindi na kayang gawin yun lahat ng mag-isa.
At matapos nga 'yon ay tinanong namin siya kung kumusta ang pakiramdam niya at ang sagot niya nga'y "Para akong nasa alapaap." Na'ng marinig nga namin 'yon ay kahit paano ay medyo nabuhayan kaming lima.
At bago nga kami magsi-uwi ay sinigurado naming malinis na:: lahat at nakakain na siya at dumating na nga ang oras nagpaalam kami kay tatay ng may mga ngiti sa muka baon ang pasasalamat na binigay niya saamin. "
Tuloy tuloy pa din ang kanilang pagtulong kay Tatay Armando at matutunghayan ang mga update sa account mismo ni Shawn Mendoza.
Source: Noypi Ako
Tatay na Inabandona na ng mga Anak, Tinulungan ng isang Grupo na Magkakaibigan
Reviewed by pinoyako
on
October 15, 2022
Rating:
No comments: