900 Pesos na winithdraw sa isang bangko naging 4500 Pesos
Laking gulat ng netizen at uploader na si TJ Tenedero na ang winithdraw niyang pera sa isang bangko sa Los Baños ay naging times 5 ang halaga. Biro niya ay pamasko raw ito ng bangko.
Ayon sa kwento ni TJ Tenedero, inakala siguro ng machine na tig isang daang piso (P100) ang mga tag isang libong pera (P1,000), kaya ng nag withdraw siya ng 900 pesos ay 4.500 pesos ang inilabas ng machine. Ayon pa sa kaniya ay may mga nakasabay din siya na ganito ang nangyari, nagwithdraw ng 1,700 at P3,500 ang inilabas ng machine.
Agad naman niyang ibinalik ang mga pera sa bangko, gayundin ang mga nakasabay nito, alam naman daw niya na hindi ito sa kanila at naaawa rin siya sa mawawalan ng pera o mga mag aabono nito. Naireport na rin nila sa mismong bangko ang mga nangyari.
Naibigay na rin sa kanila ang tamang halaga na kanilang na withdraw.
“Nataranta ako saka naawa sa pwedeng nawalan ng pera. [Inisip] ko baka sa naunang nagwidraw sa akin un. So pumasok ako agad sa Bank para ibalik. [Saka] di naman akin un,” dagdag pa nito.
Madami din ang mga pumuri sa ginawang ito ni TJ at sa mga kasama niyang nagbalik ng pera, saludo daw ang mga ito sa kanilang pagiging matapat.
Marami ding mga netizen ang napapa ''sana all'' at tinatanong kung saan daw ang lokasyon ng bangko.
Narito ang mismong post ni TJ Tenedero sa kaniyang account;
''Yung 900 lang winidraw mo sa Landbank pero ito nilabas na pera. Ang aga magpapasko ng atm. Hahaha Ps. Binalik ko na po. May iba pang tao na nilabasan ng atm ng sobrang pera. As of the moment may napasok pang may sobrang pera na inilabas ng atm. Nabigay naman po ng Landbank yung cash namin na winidraw talaga.''
Source: Noypi Ako
900 Pesos na winithdraw sa isang bangko naging 4500 Pesos
Reviewed by pinoyako
on
October 24, 2022
Rating:
No comments: