BREAKING NEWS

Unang Degree Holder ng Isang Pamilya, Naging Summa Cum Laude Na at Board Topnotcher Pa| Nakakaproud !!


Siya si Jonathan Agullana, pinanganak siya sa Davao del Norte at doon na rin lumaki, Siya ang ikapito sa walong magkakapatid na Agullana, ang kanilang ama ay isang magsasaka at ang kanyang ina naman ay isang housewife.

Sa kabila ng mga ito, nakapagtapos pa din si Jonathan bilang "Summa Cum Laude".



Aminado si Jonathan na hindi naging madali ang kanilang buhay at pag aaral, dahil sapat lamang ang kinikita ng kanyang ama para sa kanilang pagkain sa araw araw.

Lumipat sila noong 2015 sa Pagudpud, Ilocos Norte, ang probinsiya ng kaniyang ama.

Doon ay sumubok mag enroll si Jonathan ngunit hindi na siya tinanggap sa isang unibersidad sa Ilocos dahil hindi siya nakaabot sa admission test.




Tanggap niya na hindi siya makakapasok sa kolehiyo, katulad ng kanyang mga nakakatandang kapatid na hindi na natuloy sa pag aaral, ngunit ginawan ito ng paraan ng kanyang mga magulang. Nangutang ang mga ito para sa kanyang pag aaral.

“Kaya lang ginawan ito ng paraan ng aking mga magulang. Umutang sila para lang may pang-enroll ako sa isang private college offering the cheapest tuition fee,” kuwento niya.

Hanggang sa nakapag enroll nga si Jonathan sa Data Center College of the Philippines of Laoag City Inc., lubos siyang nagpasalamat sa kanyang mga magulang dahil sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa kanya.

Ngunit marami ang bumatikos sa mga mga magulang ni Jonathan, bakit daw pinag aral pa sa private school ang anak, isa lamang naman daw itong magsasaka. Sinabi naman niya na gustuhin man daw niya sa public mag aral ay hindi maari dahil hindi naman siya qualified.



Bilang ganti sa sakripisyo ng kanyang mga magulang ay nag aral siyang mabuti, nagsunog ng kilay, naging scholar, kaya naging libre ang kanyang pag aaral, lubos ang kanyang pasasalamat, kung hindi raw dahil sa mga ito ay hindi na siya nakapagtapos.

Tumutulong din siya sa pagsasaka kapag bakasyon, umaakyat ng buko at ibinibenta niya pandagdag ng kanyang allowance.

Ilang beses ding hindi natuloy ang pag take niya ng Board Exam dahil sa nangyaring pandemic, ngunit ng sumubok siya nitong September 2021, at lumabas ang resulta ng exam noong November 29, 2021, isa siya sa naging Topnotcher ng kanilang batch.

Buong proud siyang ibinalita sa kanyang mga magulang ang kanyang tagumpay, Worth it ang lahat ng hirap na dinanas nila. Nabayaran na rin nila ang lahat ng utang ng kanyang mga magulang para sa kanyang pag aaral.

Ang mensahe niya sa mga mag aaral “Pahalagahan ang sakripisyo at suporta ng mga magulang at mga taong naniniwala sa inyo.

“Your life might not be that bright for now, someday your light will shine not only for yourself but also for other people.”.

Source: Noypi Ako
Unang Degree Holder ng Isang Pamilya, Naging Summa Cum Laude Na at Board Topnotcher Pa| Nakakaproud !! Unang Degree Holder ng Isang Pamilya, Naging Summa Cum Laude Na at Board Topnotcher Pa| Nakakaproud !! Reviewed by pinoyako on September 21, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close