Para Maikasal, Tinawid nila ang Ilog at Bundok Sakay ng Kabayo
Para Maikasal Tinawid nila ang Ilog at Bundok Sakay ng Kabayo. Walang imposible pagdating sa Pag-Ibig, maging bundok, Ilog o dagat man kayang suungin para sa pagmamahal.
Ibinahagi ng Photographer na si Bien Abanos ang mga pinagdaanan ng bagong kasal na sina Engilyn Tibordo Muñez at Brokcild Montiman Muñez, na mula sa malayong lugar ng Davao City.
Ibinahagi ng Photographer na si Bien Abanos ang mga pinagdaanan ng bagong kasal na sina Engilyn Tibordo Muñez at Brokcild Montiman Muñez, na mula sa malayong lugar ng Davao City.
Tumawid ang mga ito ng Bundok at Ilog, upang sila ay maikasal, sakay sakay sila ng kabayo na nagsilbi nilang bridal car, sapagkat hindi kakayanin ng mga sasakyan o motorsiklo ang lugar, dahil sa mabato at maputik na daanan.
Ang kanilang venue sa kasal ay humigit kumulang 3 oras kung babaybayin mula sa kanilang pinanggalingan papunta sa simbahan sa Siao, Tamugan sa Marilog District, Davao, City.
Hindi naging madali at naging mabagal ang kanilang paglalakbay dahil sa maputik na daanan, gawa ng malakas na ulan bago ang araw ng kanilang kasal.
Ligtas silang nakarating sa simbahan at naging maayos naman ang kanilang pag iisang dibdib.
Congratulations and Best Wishes Mr. and Mrs. Muñez !!
Source: Noypi Ako
Para Maikasal, Tinawid nila ang Ilog at Bundok Sakay ng Kabayo
Reviewed by pinoyako
on
September 17, 2022
Rating:
No comments: