BREAKING NEWS

Kilalanin | Ang Kauna Unahang Filipinong nakalibot na sa buong mundo !


Pangarap mo rin bang makalibot sa buong mundo? Alam mo ba na isang Filipina ang nakagawa nito? Kilalanin natin siya,

Siya si Odette Aquitania Ricasa, 77 taong gulang, ang kauna unahang Filipino na nakalibot na sa buong mundo. Ayon sa tala, ay nakapaglakbay na si Ricasa sa 195 na bansa, at ang huli nitong destinasyon ay natapos sa Kurdistan, Iraq.


Si Ricasa ay kasalukuyang nakatira ngayon sa Los Angeles, California. Noong kanyang kabataan, ay nakatira siya sa Quiapo, Manila. Noong siya ay raw highschool at college, ang paborito niyang subject ay "Geography". Nakikita lamang niya noon ang mga larawan ng apple, usa, moose, snow at ang white Christmas, kaya pinangako niya sa sarili na makakapunta siya ng Amerika balang araw.


Ngunit hindi naging madali ang pagkamit niya sa kanyang pangarap, dahil tulad ng nakararami, ay marami rin siyang naging mga problema sa buhay. Nagsimulang magtravel si Ricasa noong siya ay 40 years old na, at matatapos na sana niya ang pag libot sa buong mundo, 5 bansa nalang sana ang hindi pa niya napuntahan, ito ang Sudan, Chad, the Central African Republic, Libya at Iraq, ngunit dumating ang Covid 19 Pandemic noong 2020 at nahinto siya sa kanyang paglalakbay dahil sa lockdown.


80% ng kanyang mga paglalakbay ay ginawa niya nang siya lamang mag-isa, at ang 20% ay ginawa sa isang group tour, na kanyang unang sinalihan para sa kanyang paglalakbay. Ang Travelers’ Century Club, na tumatanggap lamang ng mga indibidwal na nakapunta na sa 100 o higit pang mga bansa. Miyembro rin siya ng Philippine Global Explorers travel community, kung saan pinamumunuan naman niya ang U.S. West Coast chapter.




Bukod sa pagiging traveller, si Ricasa ay isa ring author ng anim na libro, isang motivational speaker, isang artist at isang pianist.

Source: Noypi Ako
Kilalanin | Ang Kauna Unahang Filipinong nakalibot na sa buong mundo ! Kilalanin | Ang Kauna Unahang Filipinong nakalibot na sa buong mundo ! Reviewed by pinoyako on September 19, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close