BREAKING NEWS

3 Estudyante, Naghati-Hati sa Baon nilang Isang maliit na Hotdog


Ibinahagi ng Gurong si Barry Anthony Cajes sa kanyang Facebook Account, nito lang September 6, 2022, ang nakakaantig na litrato ng kanyang mga studyante, habang sila ay salo salong kumakain ng pananghalian sa likod ng paaralan.

Napansin ng guro na ang dalawa dito ay naghahati lamang sa kanilang baon, marami silang kanin at konti lamang ang ulam. Halos pakurot kurot lamag sila sa dala nilang maliit na hotdog at gulay upang mapagkasya at maubos nila ang kanilang kanin.


Ang mga bata sa litrato ay sina Ruel at Rayven, kapwang Grade 8 students at ang kapatid ni Ruel na si Reyjie, na isang Grade 9 student, na nag aaral sa Kauswagan National High School sa bayan ng Trinidad Bohol.

"After eating my lunch, I decide na maupo malapit sa may bintana, umaasang makasagap man lang ng signal," ano ng guro. "To my surprise, ito ang aking nakita. Our students eating their lunch. Ang dalawa nag share ng food, they dont have much food, maraming rice, kaunti lang ang ulam.

"Doon ako medyo naantig sa part na ung ulam nila ay maliit na hotdog at gulay na nilagyan lamang ng harina. Pero kahit ganun pa man, nakitaan ko pa rin sila ng kasiyahan," dagdag pa nito

Bakas naman sa mukha ng mga bata ang saya at kakontentuhan sa kanilang sitwasyon.

Ito ang orihinal na post ni Teacher Barry Anthony Cajes sa kanyang Facebook Account.

"After eating my lunch, I decide na mo lingkod sa bintana dapit pangidyawat maka sagap signal... To my surprise mao ni akung nakit an. Our students eating their lunch. Ang duha nag share sa food, they dont have much food, dghan rice gamay sud an. 1 ka hotdog na gamay ug pritong gulay na giharinahan.''.


''I watch them eat their lunch, hungit daghan sa kan on, kusnit gamay sa hotdog, murag katuluon akung luha, they dont complain, they happily eaten their baon. ''


''Life may not be fair, most of the time others will say its unfair. Seing them enjoying their lunch, I said to myself; It's us who is incharge of creating best memories, its us who will create our happiness and its a matter of how we deal with the situation .''


''Whatever the circumstances are, choose happiness over sadness, positivity over negativity. After all life is worth living."


Marami sa ating mga mag aaral ang patuloy pa ring nagsusumikap sa kanilang pag aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay. Huwag susukuan ang pangarap, balang araw ay makakamit rin ito. Lahat ng hirap at pagod ay masusuklian ng maganda.



Source: Noypi Ako
3 Estudyante, Naghati-Hati sa Baon nilang Isang maliit na Hotdog 3 Estudyante, Naghati-Hati sa Baon nilang Isang maliit na Hotdog Reviewed by pinoyako on September 28, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close