BREAKING NEWS

Anak ng Single Mom na Kubrador ng Jueteng, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude



Ipinagmalaki ni Michael Cabanday Cariaga ang kanyang isang ina na nakapagpatapos sa kanya sa kolehiyo. Isang kubrador ng jueteng ang kanyang ina at ito ay kailanma'y hindi ikinahiya ni Michael. "Yes, you heard it right. And I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a small town lottery agent—or in our most common language—paghu-jueteng.




"Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!"

Mula Meycauayan, Bulacan si Michael at nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education, Specialized in Filipino Language and Literature sa Arellano University bilang magna cum laude na may 1.08 GPA.

Ibinahagi ni Michael ang kanilang pinagdaanang hirap noon. "Tunay na mapanghamon ang buhay, dahil mula pagkabata, lagi na lamang pang-Maalaala Mo Kaya ang nararanasan namin.




"Nandiyan ang ipinagtabuyan kami ng sarili kong tatay, palayasin sa tinitirahan at magpalipat-lipat ng bahay, araw-araw na manghingi ng ulam sa mga karinderya."

"Nahuli na ngang minsan ang mama ko at dinala sa kulangan dahil sa jueteng."

"Higit sa lahat, ang pananaw ng marami na dahil paghu-jueteng lamang ang ikinabubuhay ng mama ko ay walang makatatapos ng kolehiyo sa aming tatlong magkakapatid."

"Ngunit hindi ko ito hinayaan na magpatuloy sa akin. Kahit na alam kong mahirap, buong lakas-loob kong ipinaglaban ang pangarap ko."

Noong May 8, Mother’s Day, ay nag-post siya ng pasasalamat para sa kanyang ina.

Ani niya sa kanyang ina, "Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa amin. Sa loob ng mahabang panahon, kinaya mong mag-isa na itaguyod kami. Ito na, 'Ma, unti-unti nang magbubunga ang lahat ng sakripisyo mo at nina Ate. Espesyal ang Mother's day na ito sapagkat, malapit ko nang maibigay sa iyo at sa inyo ang pinakaespesyal na regalo ko—ang diploma ko sa kolehiyo. Malapit ko nang matupad ang mga pangarap ko sa iyo, Ma. Papunta na tayo sa exciting part!"

Source: Noypi Ako
Anak ng Single Mom na Kubrador ng Jueteng, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude Anak ng Single Mom na Kubrador ng Jueteng, Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude Reviewed by pinoyako on August 02, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close