BREAKING NEWS

Magnitude 7 na Lindol, Niyanig Ang Iba't Ibang Bahagi ng Luzon



Ang epicenter ng lindol ay ang lalawigan ng Abra, ngunit maraming bahagi ng Luzon ang naramdaman ang lakas ng lindol. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa 7.3 magnitude ang lindol at tumama dakong 8:43 a.m. Kinumpirma ni Abra Rep. Ching Bernos, na ang lindol na tumama noong Miyerkules ay nagdulot ng pinsala sa lalawigan.




"I urge everyone to stay alert and to prioritize safety in light of the possibilities of aftershocks that might be felt after that strong earthquake. We are monitoring the situation on the ground and gathering information on the extent of the damage to the province," ani ni Bernos.

Ayon naman kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, isang construction worker ang napaulat na binawian ng buhay sa La Trinidad, Benguet, dahil sa mga nahulog na debris, ngunit ito ay patuloy na biniberipika.





Ang lindol ay isa sa mga phenomena na madalas tumama sa Pilipinas. Ang bansa ay prone sa ganitong uri ng sakuna dahil ito ay matatagpuan sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Source: Noypi Ako
Magnitude 7 na Lindol, Niyanig Ang Iba't Ibang Bahagi ng Luzon Magnitude 7 na Lindol, Niyanig Ang Iba't Ibang Bahagi ng Luzon Reviewed by pinoyako on July 27, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close