Estudyanteng Hindi Pinagmartsa, Idinetalye ang "Traumatizing Graduation" na Nangyari sa Kanya
Ibinahagi ni John Marcelino Rosaldo ang nangyari sa kanyang inaasam-asam na graduation. Nursing graduate mula sa Lorma Colleges, La Union si John. Hindi umano siya pinamartsa sa graduation ceremonies. Nag-viral ang kuwento ni John nang mag-post ang kanyang nakababatang kapatid na si Celene Rosaldo sa social media noong June 23, 2022, araw ng graduation.
Ayon kay Celene, pinaalis umano si John mula sa pila ng mga graduates na aakyat sa entablado dahil hindi na-confirm ang kanyang payment ng graduation fee sa halagang PHP2,750.
Lumalabas na nagkaroon ng miscommunication kaugnay ng graduation fee, na siyang naging dahilan para hindi siya payagang makamartsa sa graduation day. Tanghali ng June 22, ipinadala ni John ang kanyang bayad na graduation fee sa bank account ng school via GCash.
Hindi agad nabasa ni John—na noon ay nasa clinical duty—ang message ng accounting office na hinihingi ang screenshot ng proof of payment ni John. Gabi na nang maipadala ni John ang screenshot ng digital receipt sa accounting office at sa kanyang adviser.
Kinabukasan, June 23, araw ng graduation, panatag si John na wala nang aberyang mangyayari. Bandang 8:15 a.m., sinimulan ang pagmamartsa sa entablado.
Noong nasa pila na si John, lumapit ang isa sa kanyang clinical instructors (CI) at inabisuhan si John na hindi siya papayagang magmartsa. Sinabi ni John na binayaran na niya ang kanyang graduation fee, pero sumagot ang CI na sumusunod lamang siya sa utos.
Pagpatak ng 9:00 a.m., lumapit ang isa pang CI at inutusan si John na pumunta sa gilid ng venue. Doon nakita ni John na may mga graduating students din na hindi nakamartsa. Sinubukan daw silang i-comfort ng kanilang mga CI "because they could not do anything to help us out."
"Our names were called and our photos were shown on the screen but we were not allowed to go up on stage to receive our diploma and have that ‘significant’ photo-op," ani John.
Nakaramdam daw si John ng "sadness and humiliation."Bandang 10:00 a.m., matapos ang diploma distribution, pinabalik na sila sa kanilang upuan.

Source: Noypi Ako
Estudyanteng Hindi Pinagmartsa, Idinetalye ang "Traumatizing Graduation" na Nangyari sa Kanya
Reviewed by pinoyako
on
July 01, 2022
Rating:
No comments: