Anak ng Padyak Rider, Proud sa Ama; Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude
Isang estudyante sa Albay ang nagtapos sa kolehiyo bilang cum laude. Ipinagmalaki sa social media ng 22 anyos na si Erica Cid ng Malinao, Albay ang kanyang mga magulang na naging susi umano ng kanyang tagumpay para makapagtapos ng pag aaral sa kolehiyo. Nagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Social Work sa Bicol University si Cid nitong Hulyo 14.
Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Cid ang sakripisyo ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ama na mahigit dalawang dekada ring kumayod bilang pedicab driver para sa sa kanilang pag-aaral na apat na magkakapatid. Walang trabaho ang kanyang ina pero minsan na ring namasukan bilang katulong.
"Dai ko pigkakasupog ang trabaho kan ama ko ta aram ko ang pagal asin sakripisyo ni papa sa pagpadyak, iyo ang nagpapaadal samuyang apat na magturugang."
"Hindi ko ikinakahiya ang trabaho ng tatay ko dahil alam ko ang pagod at sakripisyo ni papa sa pagpadyak, siya ang nagpapa-aral sa aming apat na magkakapatid", ayon sa kanyang facebook post.
Sa ngayon, tatlo na silang magkakapatid na nakapagtapos ng pag-aaral.

Source: Noypi Ako
Anak ng Padyak Rider, Proud sa Ama; Nagtapos sa Kolehiyo Bilang Cum Laude
Reviewed by pinoyako
on
July 23, 2022
Rating:
No comments: