BREAKING NEWS

UP Manila Graduate, Cum Laude at Top 1 sa 2022 Physical Therapy Licensure Examination!



Nagbunyi hindi lang ang pamilya, kundi maging kabaryo ni Jean Ella Marie Taruc Razon nang mag Top 1 siya sa June 2022 Physical Therapy Licensure Examination. Graduate ng University of the Philippines Manila Campus, at nakakuha ng rating na 88.05 percent si Jean. Nagtapos si Jean bilang cum laude noong September 6, 2020.



"Naging extra blessing na lang po yung makapasok sa Top 10 at maging Top 1.

"I am so happy na proud po, hindi lang kami sa pamilya, kundi pati na rin yung small barrio namin.

"Lagi nilang sinasabi na who would have thought na sa isang remote and rural area na kailangan ang bangka for access and transportation magmumula ang Top 1 sa board examination?

"Fortunately, nagbunga po yung lahat nang efforts and nakapasa po," pagbabahagi ni Jean.





Binigyan siya ng reward ng kanilang local government unit na nagkakahalaga ng PHP50,000.

"I was inspired by the TV shows my sisters were watching at that time, like House MD and Grey’s Anatomy.

"And I thought na sobrang cool nila and interesting. That’s one of the reasons kung bakit I took Physical Therapy na rin because it’s medical-related and equally interesting," kuwento ni Jean.



Marami rin umano siyang ups and downs sa kanyang buhay-college.

"Maraming gabi na umiiyak ka na lang kasi sobrang daming requirements na kailangang ipasa the next day, 'tapos may exam ka pa na hindi mo pa nasisimulang i-review."

Source: Noypi Ako
UP Manila Graduate, Cum Laude at Top 1 sa 2022 Physical Therapy Licensure Examination! UP Manila Graduate, Cum Laude at Top 1 sa 2022 Physical Therapy Licensure Examination! Reviewed by pinoyako on June 26, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close