Patigil-tigil sa Kolehiyo Noon, Kaliwa't Kanan na Ang Job Offers Ngayon!
Puno ng pagsubok bago makatapos sa kolehiyo si Chryzel Joy Gordula Landicho, 30-anyos. 2-year course ang kinuha ni Chryzel sa kolehiyo ngunit inabot siya ng apat na taon bago ito matapos. "Two-year course lang po iyon. Pero inabot ng four years kasi patigil-tigil ako. Year 2014 ko po natapos. Noon po ay 23 years old na ako."
Noong mga panahon na iyon, nag-aalaga siya ng pamangkin na iniwan sa kanya noon ng kanyang kapatid. "Six months pa lang yung baby nang iwan sa akin. Kaya kailangan ko rin talagang kumayod para suportahan siya."
Ipinagsasabay ni Chryzel ang pag-aalaga ng bata, pag-aaral, pagtatrabaho bilang kahera sa sabungan, factory worker at kung anu-ano pang trabaho na pwede niang pagkakitaan.
Naging OFW din si Chryzel sa Doha, Qatar at namasukan bilang babysitter sa loob ng dalawa at kalahating taon.
"Mababait po ang mga amo ko. Pero nagpaalam ako sa kanila na mag-aaral ako. Hindi ako ma-satisfy na kahit kumikita ako, hindi ako mapalagay. Parang may kulang. Gusto ko po talagang maging teacher," kuwento niya.
Nang makabalik sa Pinas ay agad siyang nag-enroll sa Laguna State Polytechnic University-Siniloan Campus sa kursong Bachelor of Science in Agricultural Education.
"Kasi po parang double degree. Kung matatapos ko, puwede akong kumuha ng Licensure Exam for teachers at Licensure Exam for agriculturists."
Aminado siyang mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral lalo na sa mga expenses na dapat niyang hati-hatiin.
"Nahirapan po ako sa pang-araw-araw na expenses namin ng pamangkin ko. Parang nagsu-survive lang ako halimbawa ngayong araw na ito, pero kinabukasan di ko na alam kung saan kukuha ng panggastos. O, kahit pamasahe man lang sa jeep papasok sa school..."
"My mind is divided on acads and on how I will get the money to spend. Sometimes it feels like it's me against the world. Tipong kailangang-kailangan ko pero wala talaga, wala akong mapagkunan. Umiiyak akong mag-isa, lumalaban ako nang tahimik, nang walang nakakaalam except kay God. Mahirap, nakakapagod, para akong lumalaban na wala man lang akong dalang bala. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong ipanalo ang laban."
Ngunit hindi ito naging dahilan para siya ay sumuko bagkus ay pinilit niyang makatapos sa pamamagitan ng pagraraket o pagsasideline.
Kaliwa't kanan naman ang naging job offers ni Chryzel ngayon. Tinututukan din niya ang pagreview para sa pagkuha ng Licensure Exam.
Payo niya sa mga kabataan, "Hindi dahilan yung walang pampaaral ang mga magulang upang hindi magpatuloy sa pag aaral. Huwag titingnan ang pagsubok na darating dahil mas napapangunahan tayo ng takot. Baka hindi na tayo mag-take ng risk. Mag-set ng goals. Yung mga struggles ay dadaanan lang at malalampasan natin kung naka-focus tayo kung ano ang gusto nating ma-achieve sa buhay."

Source: Noypi Ako
Patigil-tigil sa Kolehiyo Noon, Kaliwa't Kanan na Ang Job Offers Ngayon!
Reviewed by pinoyako
on
June 05, 2022
Rating:
No comments: