Katutubong Agta na Madalas Tuksuhin Noon, Nakapagtapos na ng Kolehiyo Ngayon!
Madalas umanong binu-bully ang katutubong agta na si Zeny Sibayan Cepeda ng kanyang mga kaklase noong siya ay nasa elementarya pa lang. "Araw-araw tinatawanan ako noon dahil butas-butas ang tsinelas ko. Papasok minsan malaki pa sa akin yung suot kong uniform kasi bigay lang sa akin dahil sa kagustuhan ko pong pumasok."
Ibinahagi rin ni Zeny ang masaklap na karanasan noong siya ay nasa Grade 3. "Pinagtripan ako dahil alam nila na maluwag sa akin yung palda ako. Habang recess time, nag-usap-usap ang mga kapwa ko mag-aaral noon para po ibaba ang palda ko. Sobrang hiya ko noon kasi halos lahat pinagtawanan ako."
Hanggang sa mag-highschool si Zeny ay tinutukso pa rin siya ng kanyang mga kaeskwela ngunit mas nagiging matatag siya. Aminado si Zeny na mahiråp ang buhay nila.
Nagbago ang buhay ni Zeny nang makapasok siya sa St. Anthony’s College Cagayan at nakatanggap ng full scholarship hanggang sa maka-graduate.
"Ipinagmamalaki ko pong sabihin na never na po akong nakaranas ng pambu-bully dito sapagkat mababait ang mga mag-aaral dito, maging ang mga guro."
Si Zeny ay 30-anyos at ag-iisang degree holder sa kanilang 110-member ethnic community sa Barangay Diora-Zinungan sa Santa Ana, Cagayan. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English,, sa St. Anthony’s College Cagayan nitong May 30, 2022.
Panganay sa pitong magkakapatid si Zeny pero high school lang ang inabot niya. Hanggang sa isang doktora ang naging daan para makapasok siya sa kolehiyo.
Dumalaw noon sa kanilang komunidad si Dr. Zsa Zsa Meneses para sa isang outreach program. Nakilala ng doktora si Zeny at tinulungan siyang maging scholar, kahit na 25 anyos na noon si Zeny at doon na nagsimulang magbago ang buhay ni Zeny.

Source: Noypi Ako
Katutubong Agta na Madalas Tuksuhin Noon, Nakapagtapos na ng Kolehiyo Ngayon!
Reviewed by pinoyako
on
June 03, 2022
Rating:
No comments: