BREAKING NEWS

"Average" Student Noong College, Top 1 sa 2022 Architecture Board Exam!



Ang tanging nais lang ng 'average student' na si Marianne Kaye Ofianga ay makapasa sa 2022 Architecture Board Exam. Kaya naman, laking gulat niya nang maging topnotcher siya sa nasabing exam at Top 1 pa. Si Marianne, 24-anyos ay nagtapos sa Iloilo Science and Technology University sa kursong Bachelor of Science in Architecture.




Ang nakuhang average ni Marianne nang siya ay magtapos sa kolehiyo ay 82.40 percent. Ani ni Marianne sa kanyang post, 'Out of 4,766 ALE takers, why did the Lord choose me?

"I'm just an average person, with average capacity, and definitely not aiming for that 'topnotcher' title.

"I just want to pass the board exam..."

Aminado si Marianne na mas marami ang mas magaling sa kanya, "Sa totoo lang po maraming pa po diyan na mas magagaling kesa sa akin."




Pero dahil pursigido ay ginawa lahat ni Marianne ang kanyang best para makapasa sa board exam, "Ginawa ko lang talaga yung best ko para pumasa sa board exam, pero hindi ko inaasahan na magiging Top 1 talaga."

Samantalag, ibinahagi ni Marianne ang susunod niya plano, "I'll be taking master plumber licensure examination next," aniya.

"Then I'm also considering a master's degree in landscape architecture.

"For now po, ipa-practice ko muna yung profession ko dito sa Philippines, pero yung dream ko po talaga is yung mag-work sa abroad. It is one of my goals talaga.

"Dahil po sa nangyari ngayon sa akin na ito, with the guidance na meron ang Diyos sa akin, isa-isa ko pong tutuparin yung mga pangarap ko."

Source: Noypi Ako
"Average" Student Noong College, Top 1 sa 2022 Architecture Board Exam! "Average" Student Noong College, Top 1 sa 2022 Architecture Board Exam! Reviewed by pinoyako on June 25, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close