Ilang Aktres na Kahit May Anak na, Nagsilbing Inspirasyon sa Pagpursigeng Makatapos sa Kolehiyo!
Si Jodie Chrissie Garcia Sta. Maria o mas kilala sa kanyang screen name na Jodi Sta. Maria ay isang kilalang aktres. Ipinanganak siya noong Hunyo 16, 1982. Nag-aral siya sa Philippine Pasay Chung Hua Academy at isang siyang honor student. Marami siyang napagtagumpayang extra-curricular activities partikular na sa pagiging varsity ng volleyball at sa pagdedebate. Kahit na nagkaanak siya ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral hanggang sa makatapos siya ng Bachelor Degree in Psychology.
Si Giselle Ane Töngi-Walters ay isang aktres, mananayaw, mang-aawit, host, VJ at modelo. Ipinanganak siya noong Hunyo 14, 1978. May dalawang anak na si G. Toengi, sila ay sina Kenobi Benjamin at Sakura Anne Marie.
Nag-aral si G. Toengi sa Lee Strasberg School of Acting sa New York City. Natapos niya ang Master’s Degree in Non-profit Management sa Antioch University.
Si Sunchine Cruz ay isa ring aktres at mang-aawit. Siya ay may tatlong anak, sina Angelina Isabele, Samantha Angelene at Angel Franchesca. At kahit may mga anak na ay sinikap pa rin niyang makapagtapos sa kolehiyo sa kursong Bachelor Degree in Psychology.
Silang tatlo ay ilan lamang sa mga kilalang personalidad na sa kabila ng pagiging ina ay nagpursige pa rin silang makatapos sa pag-aaral at magkaroon ng diploma. Ngayong Women's Day ay ipinagdiriwang ang mga kababaihan na masisipag, nagpupursige sa buhay, at kahit na sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan sa buhay, ay tinataas pa rin ang bandera ng mga kababaihan.

Source: Noypi Ako
Ilang Aktres na Kahit May Anak na, Nagsilbing Inspirasyon sa Pagpursigeng Makatapos sa Kolehiyo!
Reviewed by pinoyako
on
March 09, 2022
Rating:
No comments: