BREAKING NEWS

Pacquiao sa Anibersaryo ng People Power: "Ipakulong natin ang corrupt"



Sa kalagitnaan ng ika-36 anibersaryo ng People Power Revolution ngayong Biyernes, Pebrero 2 ay binanggit niyang muli ang kanyang pangako na ipapasok niya sa kulungan ang lahat ng taong nasasangkot sa kurapsyon bilang pag gunita ng bansa sa anibersaryo ng People Power Revolution.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pacquiao na pinatalsik ng 1986 EDSA Revolution ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. dahil sa matinding katiwalian.




"Kung ako ang papalarin na maging pangulo magkakaroon tayo ng 2022 Revolution Against Corruption! Para tuldukan ang kurapsyon sa Pilipinas. Nangyari ito sa Hongkong at Singapore. Sa tulong ng Diyos ay mangyayari rin ito sa Pilipinas," ani ni Pacquiao.




"Ipakulong natin ang corrupt at wala 'yung pardon-pardon na yan," dagdag pa niya.

Matatandaan na isa sa mga kumakandidato ngayon sa pagka-Pangulo si Sen. Manny Pacquiao.

Source: Noypi Ako
Pacquiao sa Anibersaryo ng People Power: "Ipakulong natin ang corrupt" Pacquiao sa Anibersaryo ng People Power: "Ipakulong natin ang corrupt" Reviewed by pinoyako on February 25, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close