BREAKING NEWS

Estudyante sa Leyte, Nagwagi ng 20 Million Mula sa Isang International Science Competitïon!




VIRAL ang isang estudyante sa Leyte nang manålo ng P20 Million sa isang International Science Competitïon. Siya ay kinilalang si Hillary Diane Andales, isang Grade 12 Student mula sa Tacloban, Leyte. Hindi madali ang naging buhay ng pamilya noon ni Hillary bago siya magwagi sa nasabing patimpalak. Isa ang kanilang pamilya sa lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyong Yolanda taong 2013.




"We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor," kwento ni Hillary nang maranasan ang matinding hagupït ng Yolanda. "My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided," dagdag ni Hillary.

Matapos ang masåmang nangyari dulot ng Yolanda ay ipinagpatuloy ni Hillary ang pag-aaral. Ginamit niya ang kanyang angking katalinuhan at sinamahan niya pa ito ng sipag at sumali sa patimpalak sa ibang bansa.




Sa loob ng 11,000 entries mula sa 178 bansa sa buong mundo ay nakakamanghang isipin na nagwagi ang Pilipinang si Hillary. Bukod tanging science project ang ginawa niya na tinawag na "Relativity and the Equivalence of Reference Frames"

Ang science entry ni Hillary ay tungkol sa malikhain at simpleng paraan ng Theory of Relativity kung saan ay ginamit niya ang cellphone at pick-up truck upang ipaliwanag ito sa madaling paraan na maiintindihan ng lahat.





Layunin kasi ng patimpalak na parangalan ang matalinong estudyante na kayang magpaliwanag ng science theory sa simpleng paraan at hindi komplikado. Hindi naman nabigo si Hillary sa kanyang science entry kung saan nga ay napahanga niya ang mga hurado sa kanyang magaling at simpleng paliwanag.

Ang grand prize na naiuwi niya nga ay 20 million pesos kasama ang parangal para sa kanyang guro at paaralan. Hindi lang premyong pera ang kanyang naiuwi kundi nabigyan rin siya ng scholarship grant dahil sa kanyang katalinuhan na magagamit niya sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo.




Masaya si Hillary sa kanyang naabot na parangal sa ibang bansa dahil hindi niya rin lubos akalain na sa 11,000 entries ay ang ang kanyang science entry ang mananalo ng grand prize. Ngayon nga ay itinuturing siyang pride ng Leyte dahil sa kanyang pinakitang katalinuan sa larangan ng siyensya at galing na matalo ang ang 178 na bansa.

Source: Noypi Ako
Estudyante sa Leyte, Nagwagi ng 20 Million Mula sa Isang International Science Competitïon! Estudyante sa Leyte, Nagwagi ng 20 Million Mula sa Isang International Science Competitïon! Reviewed by pinoyako on November 12, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close