BREAKING NEWS

Babaeng Igorot, Kauna-unahang Nakapagtapos sa Royal Military Collage of Canada!




Nakakamangha ang ipinamalas ng isang babaeng Igorot mula Sumadel, Tinglayan, Kalinga nang makapagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong paaralan na Royal Military College of Canada. Tinanghal siyang kauna-unahang babaeng Igorot at PMA cadet na nakapagtapos sa RMCC. Mula sa PMA Masidlawin Class of 2020 ang babaeng Igorot na si Ensign Carrie Faith Banglag Magannon.




Si Ensign ay anak nina Carlos Lumiyac Magannon at Margarita Sagubat. Isa si Ensign sa mapalad na napili ng PMA o Philippine Military Academy na makapagtuloy ng pag-aaral sa ibang bansa kabilang ang Canada, japan, South Korea, America at Australia. Napabilang si Ensign sa mga mapalad na makapag-aral sa ibang bansa habang siya ay nasa 3rd class cadet pa lamang o 2nd year sa PMA.

"I just took it as a joke "ang-angaw" and smiled. I never expected that someday it would be true," ani ni Ensign na hindi lubos akalain na siya ay papalarin.





"I doubted myself several times if I am good enough to be sent to study abroad, but the thought that PMA will not send me if they don't have confidence in me strengthen my spirit. To motivate myself more, I always tell myself, "If other can, why can't I" and with God's grace, I graduated" dagdag pa ni Ensign.




Nagtagumpay si Ensign na makapagtapos sa pag-aaral noong Desyembre 2020. Nakakalungk0t man dahil sa pand3mya ay hindi nagkaroon ng seremonya ay isinali naman siya sa May Conovation ng RMCC na ginanap noong Mayo 20, 2021 kung saan siya nagbigyan ng porml na karangalan.

Source: Noypi Ako
Babaeng Igorot, Kauna-unahang Nakapagtapos sa Royal Military Collage of Canada! Babaeng Igorot, Kauna-unahang Nakapagtapos sa Royal Military Collage of Canada! Reviewed by pinoyako on November 25, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close