BREAKING NEWS

Isang Matanda na OFW Noon, Pinagawan Lamang ng Kariton ng Mga Anak at Pinabayaan Mamuhay Mag-isa!




Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang matandang babae na kung saan ay makikita itong nagtutulak ng kariton na may lamang mga pagkain na naglalako habang nakayapak at walang suot na tsinelas. Isa itong kwento na umantig sa mga netizens, dahil ang matanda na kinilalang si Nanay Leticia Ferrer, ay isa nang uugod-ugod ngunit makikita na patuloy pa ring nagbabanat ng but0 upang may makain sa araw-araw.




Ngunit bakit nga ba sa kanyang katandaan ay patuloy pa ring nagtutulak ng kariton at naglalako ng kanyang mga paninda si Nanay Leticia? Ito ang karamihang tanong ng mga netizens. Ayos sa post sa Facebook page na One Cavite, isang dating OFW si Nanay Leticia sa Hong Kong.

Matagal umano siyang nanilbihan bilang domestic helper sa Hong Kong upang maitaguyod ang mga anak na maagang naulila sa kanilang ama.

"Sinakripisy0 ang mahabang panahon na 'di kapiling ang 5 anak mabigyan lang ng magandang buhay, mapag-aral at ng 'di danasin ang hiråp na dinanas nya..Sa isip nya ok lang magtiis para sa mga anak tutal kapag nakatapos sila sa pag-aaral, sila naman mag-aalaga sa kanya," ayon sa post.




Nagawang mapagtapos ni Nanay Leticia ang limang anak at lahat ng mga ito ay may mga kani-kaniyang trabaho at namumuhay ng maayos. Hanggang sa nagkaroon na ng kani-kanilang pamilya ang kanyang mga anak. At ang nakakalungk0t dito, ay wala ni isa sa kanyang mga anak ang kumupkop sa kanya at alagaan.

Bagkus, pinagawaan na lang sya ng isa sa kanyang mga anak ng rolling-store para matugunan umano ang pang araw-araw nyang pangangailangan ng matanda. At hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sa pagkayod si Nanay leticia at namumuhay mag-isa sa isang relocation area sa Fairview.

Kung tutuusin ay hindi na dapat nagbabanat ng but0 ang matanda tulad ni Nanay Leticia gayong may mga anak naman siya dahil sa mahina na ito at dapat sana ay nag-eenjoy na lamang sa kanyang nalalabing mga panahon.

Mahiråp ang isang maging magulang dahil hindi talaga natapos ang oblisgasyon nila sa kanilang mga anak. Hindi nila kayang tiisin na nahihirapan ang kanilang anak kahit pa isaalang-alang ang kanilang kapakanan.

Ngunit sana tayong mga anak, ay ibalik din natin ang pagmamahal at pag-aaruga sa ating mga magulang sa kanialng pagtanda. Sigurado ay maliligayahan na ang ating mga magulang sa maliit na sakripisyo na ibabalik natin sa kanila.


Source: Noypi Ako
Isang Matanda na OFW Noon, Pinagawan Lamang ng Kariton ng Mga Anak at Pinabayaan Mamuhay Mag-isa! Isang Matanda na OFW Noon, Pinagawan Lamang ng Kariton ng Mga Anak at Pinabayaan Mamuhay Mag-isa! Reviewed by pinoyako on October 05, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close