BREAKING NEWS

Larawan ng mga Lolo at Lola na Nakapagtapos ng Kanilang Pag-aaral, Hingaan ng Marami!




Ang edukasyon ay walang pinipiling edad, bata o matanda ay maaaring mag-aral at matuto. Walang batayan ang mga nais matuto dahil bukas ang edukasyon para sa ating lahat.Ito ay pinatunayan ng ilang mga kababayan nating mga lolo at lola na nakapagtapos sa Alternative Learning System o ALS sa Negros Occidental.






Ang Alternative Learning System o ALS ay isang programa na makakatulong para sa mga kababayan natin hindi nakapagtapos ng pag-aaral dati at nais na magpatuloy sa pag-aaral ngayon.

Marami na rin ang natulungan ng programang ito tulad na lamang ng mga nasa larawan. Suot ang kanilang toga ay masaya silang kinuhanan ng larawan para sa kanilang graduation photo. Makikita sa kanilang mga mukha ang tuwa habang suot ang kanilang toga na nagsisilbing award nila sa kanilang pagtatapos sa ALS.







Pinatunayan nila na ang edukasyon ay walang pamantasan. Naging inspirasyon sila sa marami lalo na sa mga batang kasalukuyan ngayong nag-aaral at sa mga matatanda na hindi din nakapagtapos sa kanilang pag-aaral. Para sa mga nais magpatuloy sa pag-aaral tulad nila ay hindi pa huli ng lahat para makapag-aral muli.






Ang makatapos ng pag-aaral ay isang malaking karangalan na para sa ating lahat dahil ito ang bagay na hindi makukuha sa atin ninoman. Ang edukasyon din ay maipagmamalaki natin hindi lamang sa ibang tao kundi sa ating pamilya. Tulad ng mga lolo at lola na ito, isa silang modelo para sa mga kapwa nila na hindi man nakapagtapos ng pag-aaral noon ay pinagsumikapan naman nilang makatapos ngayon.




Source: Noypi Ako
Larawan ng mga Lolo at Lola na Nakapagtapos ng Kanilang Pag-aaral, Hingaan ng Marami! Larawan ng mga Lolo at Lola na Nakapagtapos ng Kanilang Pag-aaral, Hingaan ng Marami! Reviewed by pinoyako on July 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close