BREAKING NEWS

Eskwelahan sa Antique, Kalabaw ang Ginamit Para sa House-to-House Mobile Graduation Rites!




Viral ngayon ang isang ilang mga larawan na ibinahagi ni Rosalina Serquino nitong Hulyo 16. Kuha ang mga larawan sa Lawigan, Tobias Fornier, Antique. Ayon sa ulat, nakagawa umano ng paraan ang paaralan ng Lawigan Elementary School na magkaroon ng mobile graduation. Sa tulong ng kalabaw, nag house-to-house ang mga guro kasama ang kalabaw na may dekorasyon para sa ginawang graduation rites.




Ito ay hinangaan ng maraming netizens. Sa katunayan ay umabot na sa 58k reacts, 2.2 comments at 41k shares ang naturang post.

At mas hinangaan pa ng mga netizens ang naging paraan ng mga guro na mabigyan ng maayos na graduation ang kanilang mga estudyante. Sa tulong ng kalabaw at balsa ay nairaos nila ng maayos ang graduation ng kanilang mga estudyante.





Makikita rin sa mga larawan na dinsesnyohan pa ng mga guro ang balsa na hila-hila naman ng kalabaw. May mga lobo at tarpaulin ang naturang balsa.Marami naman ang bumati sa mga mag-aaral sa Lawigan Elementary School na matagumpay na naka-graduate.




Ang ginawang mobile graduation rites ng mga guro ay isang patunay lamang na maparaan, may dedikasyon at pagpapahalaga hindi lamang sa kanilang trabaho kung hindi maging sa kanilang estudyante.




Source: Noypi Ako
Eskwelahan sa Antique, Kalabaw ang Ginamit Para sa House-to-House Mobile Graduation Rites! Eskwelahan sa Antique, Kalabaw ang Ginamit Para sa House-to-House Mobile Graduation Rites! Reviewed by pinoyako on July 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close