BREAKING NEWS

Sen. Manny Pacquiao, Tinanggap ang Hamon ni Pres. Duterte: "Hindi Ako Sinungaling"




Nalalapit na ang Eleksyon 2022 at ang taumbayan ay mamimili muli ng karapat-dapat na maupo sa pwesto. Ang pipillin natin ay dapat 'yung alam nating pamumunuan tayo ng maayos. Kanya-kanya naman ang marami sa atin kung sino ang pambato nila na mga politiko na nais nilang manalo. Kadalasan pa, ang marami sa atin ay nakikipag-debate pa kung sino ang mas magaling ng pinuno.




Isang paghahamon naman ang kasalukuyang nauulat ngayon sa pagitan ng ating pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Manny Pacquiao.

Hindi nagpatinag ang senador sa banat sa kanyang kaalayado na si Pres. Duterte. Kamakailan lamang ay hinamon ng Pangulo si Sen. Manny na sabihin ang mga sendaor na diumano'y kuråkot sa kasalukuyang administrasyon kaysa sa nagdaang pamumuno.

"Within one week, may gawin ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming mas corrupt. Ilista mo 'yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na 'yan noon, at ibigay mo sa akin," paghahamon ng Pangulo.





"'Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that is a corruption, let me know. Give me the office. Ganoon ang dapat na ginawa mo. Wala ka namang sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin, tapos ngayon sabihin mo c0rrupt,"

"So I'm challenging him, ituro mo opisina na c0rrupt at ako na bahala within one week, may gawin ako. Maglista ka Pacquiao at sinasabi mo two times kaming c0rrupt, ilista mo yun mga tao at opisina na dapat inilista mo pa noon at ibigay mo sa akin," dagdag niya pa.

Ayon naman sa sagot ng Senador ay ang mismong Pangulo pa ang nagsabi noon na mas dumami ang kurak0t sa panahon ngayon. Tinanggap naman ni Sen. Manny ang hamon ng Pangulo na pangalanan ang mga kurak0t na opisyal ng gobyerno.




"Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra koråpsyon," saad naman ng Senador.

"Mawalang galang po mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinungåling. May mga naging pagkakamåli ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungåling,"

"Magsimula tayo sa DOH. Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pand3mya?"

Source: Noypi Ako
Sen. Manny Pacquiao, Tinanggap ang Hamon ni Pres. Duterte: "Hindi Ako Sinungaling" Sen. Manny Pacquiao, Tinanggap ang Hamon ni Pres. Duterte: "Hindi Ako Sinungaling" Reviewed by pinoyako on June 30, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close