BREAKING NEWS

Watch | Mga Tsismosang kapit bahay na gumagawa ng tsismis pwedeng Kasuhan!



Karamihan sa ating mga kababayang Pinoy ay tila hindi maiwasan ang paggawa ng kwento, paninira sa kapwa at pagtsi-tsismis sa isang tao. Dito nagmumula ang mga hindi pagkakaunawaan ng mga tao at nauuwi sa pag-aawåy at gulo. Minsan pa ay humahantong ang mga tao sa pisikal na sakitån kung ang biktima ay napupuno na sa isang tao na gumagawa ng tsismis.


Ayon sa programang "Sumbungan ng Bayan" ay idinulog ng isang netizen kung ano ang maaaring gawin sa kanyang kamag-anak na pinagbabantaan umano ang kanyang buhay at lagi pa siyang ginagawan ng kwento o tsini-tsismis?

Base naman sa sagot ni Atty. Zen Ferrer sa katanungang ito ay sinabi niyang maaari umanong magsampa ng kas0ng grave threåt ang biktima laban sa isang tao na nagbabanta kanyang sa buhay.



Sa paggawa at pagkalat ng hindi totoong kwento sa ibang tao o ang pagtsi-tsismis ay nakadepende sa nilalaman ng tsismis ang uri ng kas0 na maaaring isampa tulad ng unjust vexation.

"Kung araw-araw ka na lang tsini-chismis at kung anu-ano yung nadidinig mo sa iyong kapitbahay o kabarangay na nagiging reaksyon nila sa pagchismis nung [kamag-anak]...at naapektuhan na ang iyong pag-iisip at pang-araw araw na buhay, nababalisa na kayo dahil sa pinagsasabi ng ibang tao, puwede po ito ulit na unjust vexation," paliwanag ni Ferrer.


"Kung ang chismis medyo grabe at naglalaman na may paninirang puri, puwede siyang ireklamo ng oral defamation o slander," dagdag pa niya.

Panoorin ang kabuuang video mula sa Youtube Channel ng GMA Public Affairs:


Source: Noypi Ako
Watch | Mga Tsismosang kapit bahay na gumagawa ng tsismis pwedeng Kasuhan! Watch | Mga Tsismosang kapit bahay na gumagawa ng tsismis pwedeng Kasuhan! Reviewed by pinoyako on May 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close