Isang Kapitan sa Naka-lockdown na Barangay, Hinangaan sa Pagkokolekta ng Basura ng mga Residente!
Hinangaan ng mga netizens ang larawang nag-viral, larawan ng kapitan ng isang barangay sa Maynila na kasalukuyang naka-lockdown. Ang kapitan na ito ay si Chairman Bong Viray sa Barangay 374.
"Big salute sa chairman namin Bong Viray ng Barangay 374, Manila. Dahil bawal kaming lumabas, siya na mismo kumukuha ng basura sa bahay-bahay," pag-saludo naman sa kanya ng netizen.
"Ganito din ba chairman nyo? Chairman, pasensya na kinuhaan kita ng picture ng palihim."
Ayon sa netizen na si Janeel Basco Abrea na nag-post ng larawan ng kapitan sa Social Media, saludo siya sa ginagawa ng kanilang kapitan dahil sa pagbabahay-bahay nito upang kumolekta ng kanilang mga basura.
Makikita sa larawan na tila hindi manlang ito nandid!ri sa mga basurang kinokolekta niya.nag-iikot siya sa mga bahay dala-dala ang malaking trash bin. Layunin nito na huwag mamaho sa kanyang nasasakupan dahilan upang kunin nito ang mga basura.
"Big salute sa chairman namin Bong Viray ng Barangay 374, Manila. Dahil bawal kaming lumabas, siya na mismo kumukuha ng basura sa bahay-bahay," pag-saludo naman sa kanya ng netizen.
"Ganito din ba chairman nyo? Chairman, pasensya na kinuhaan kita ng picture ng palihim."
Sa kabilang banda naman, makikita din sa larawan na siya lamang ang tanging tao dahil walang pakalat-kalat na tao sa kanyang nasasakupan. Kapansin-pansin ang kalinisan ng lugar maging ang pagiging masunurin ng mga residente dito na hindi lumalabas dahil sila ay naka-lockdown.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa kapitan na ito. Sumasaludo sa kanya at sana daw ay tularan ang kagaya niya ng mga kapwa niya namumuno.
Source: Noypi Ako
Isang Kapitan sa Naka-lockdown na Barangay, Hinangaan sa Pagkokolekta ng Basura ng mga Residente!
Reviewed by pinoyako
on
March 18, 2021
Rating:
No comments: