BREAKING NEWS

Batang Kumakain ng Tira-Tirang Pagkain, Binusog ng Dalawang Pulis




Isang batang kumakain ng mga tira-tirang pagkain ang binusog ng dalawang pulis at sinabihan pa ang bata na kung nagugutom pa ay puntahan lamang sila sa kanilang presinto.

Hindi maipagkakaila na marami sa mga kapwa nating Pilipino ngayon ang masama at pangit ang pangtingin sa mga hanay ng ating kapulisan marahil dahil narin sa pagkakasangkot ng marami sa kanila sa mga ibat-ibang kaguluhan.



Kaya naman mainit sila sa mata ng kasalukuyang gobyerno na naglalayong linisin ang kanilang ahensya.

Gayunpaman, marami pa din sa ating mga kapulisan ang may buong pusong maglingkod hindi lang sa bayan kundi pati narin sa mga mamamayan.

Tulad na lang ng naging viral post ni Joice Hernandez Uy, kung saan nasaksihan at nakuhanan niya ang kabutihang loob na ipinapakita ng dalawang pulis sa isang batang nanglilimos ng kanilang tirang pagkain.


Kwento ni Joice habang siya'y nasa isang kainan kung saan din kasalukuyang kamakain ang dalawang pulis ay may lumapit na bata sa kanila na humihingi ng tira-tira pagkain.

Agad naman daw nila ito inorderan ng makakain at pinapapunta sa kanilang prisinto kung ito man ay naugugutom pa.

Labis din ang paghanga ng mga netizens tungkol sa kabaitan at kabutihang loob na ibinahagi ng dalawang pulis sa bata.


Narito ang kabuuang post ni Joice Hernandez Uy sa kanyang FB account,

Shout out sa 2 pulis caloocan. Kaya pala ko dnala ng tapsilugan ng maaga. Para makita na may mabait pang pulis. 

Maliit na bagay. Pero good job.. My batang nang hingi ng tira nila. Pinakain panila. Inorderan ng gusto .Tas tnong ok naba yan. 

Pag nagugutom ka punta ka sa prisinto ha. Galing. Sana all. Maliit na bagay at halaga pero nakakatuwa pag masdan. Wlang maaus na pic. 

Nhiya ako. Kaya simple lng.

Source: Noypi Ako
Batang Kumakain ng Tira-Tirang Pagkain, Binusog ng Dalawang Pulis Batang Kumakain ng Tira-Tirang Pagkain, Binusog ng Dalawang Pulis Reviewed by pinoyako on March 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close