Basurera Noon, Nakatanggap ng Scholarship at Naging Validictorian sa Australia
Isang babae ang dating nakatira lamang sa isang tambakan ng basura, sya rin ang dating pulubing kumikita lamang ng pera mula sa mga basura. Ginagamit nya ang kanyang mga kinikita para makabili ng pagkain at makaraos sa pang araw-araw.
Ngunit kamakailang ay nag-viral siya dahil nakapagtapos sya bilang isang Valedictorian at nakatanggap pa ng scholarship mula sa isang unibersidad sa Australia.
Ang babaeng iyon ay si Sophy Ron na nakatira sa tambakan ng basura sa Phnom Panh Cambodia. Gaya ng mga nakatira doon , hindi sya nakakapasok ng eskwelahan.
Si Sophy ay napunta sa Cambodian Children's Fund (CCF) noong sya ay 11-anyos pa lang, pinag-aral sya doon at binigyan ng magandang buhay. Hindi naman ito sinayang ni Sophy at nag-aral ito ng mabuti. Dahil sa kanyang pagsisikap sa pag-aaral ay naging Valedictorian ito.
Lubos na nagpasalamat si Sophy sa CCF, kung hindi dahil sa kanila, wala sya ngayon sa kanyang narating.
Dahil din sa pagiging Valedictorian at binigyan sya ng full Scholarship mula sa University of Melbourne. Ngunit bago umalis si Sophy patungong Australia ay bumalik ito sa kanyang dating tirahan sa tambakan ng basura. Umaasa syang marami pang bata ang maging katulad nya na natulungan ng CCF.
Source: Noypi Ako
Basurera Noon, Nakatanggap ng Scholarship at Naging Validictorian sa Australia
Reviewed by pinoyako
on
March 06, 2021
Rating:
No comments: