Anak ng isang Mangingisda, Nakapagtapos bilang Magna Cum Laude
Isang anak ng mangingisda ang nakapagtapos ng Magna Cum Laude, Kahit hirap sa buhay ay napag-tapos nito ang kanyang anak.
Hindi nga naman biro ang pag-aaral lalo na kung ang kinikitang pera sa araw-araw ay sapat lamang para sa pangangailangan ng buong pamilya.
Ngunit walang imposible para sa isang taong may pangarap sa buhay at pagtitiyaga. Katulad na lamang ni Regine Villamor, isang 20-anyos na dalaga mula sa Cebu. Hindi naging hadlang ang kanilang kahirapan upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral.
Si Regine ay mula sa simpleng pamilya na ang ikinabubuhay lamang nila ay ang pangingisda ng kanyang ama.
Naging motibasyon ni Regine ang suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya upang makamit ang kanyang pangarap. Ano mang pagsubok ang dumating nakayanan nila.
Ang nakakahanga ng lubos kay Regine ay hindi lamang ito basta nakapagtapos sa kolehiyo, nakapagtapos ito bilang isang Magna Cum Laude sa kanyang paaralan sa University of San Jose-Recoletos, Cebu City.
Kwento ng dalaga, ang hanapbuhay ng kanyang ama ay nakadepende sa panahon. Dahil kung may bagyo ay hindi ito nakakapalaot para mangisda. Kung swertehin naman ay umaabot sa 700 pesos ang kinikita nito.
Ang ina naman ni Regine ang mismong naglalako ng mga isdang nahuli ng kanyang ama. Sa may kalsada lamang sila nagtitinda kung saan malapit ang kanilang bahay. Minsan ay tumutulong rin si Regine sa pagtitinda pag-uwi niya galing sa eskwelahan.
"It was at an early age that I realized how life was. While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings," saad ni Regine.
May mga panahon rin daw na pinag-aawayan ng kanyang mga magulang ang mga gastos sa kanyang pag-aaral.
"My father told me one time that he wanted to sleep more but he said he had to work hard in order for me to continue my studies," kwento ni Regine.
Gising raw kasi sa madaling araw ang kanyang ama para manghuli ng isda.
"Looking back, my father would shed tears while looking at us when we were sleeping," sabi ni Regine.
Dahil matataas ang grado ni Regine ay nakakuha ito ng 50% discount para sa kanyang tuition fee.
Ngunit hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Regine sa kanyang pag-aaral. Kinailangan pa niyang humiwalay sa kanyang pamilya at tumira sa boarding house dahil malayo ang kanilang bahay sa kanyang pinapasukang eskwelahan.
Kwento pa ni Regine, nagdikit siya ng larawan ng kanyang buong pamilya sa wall ng kanyang kwaro sa boarding house upang sa tuwing malulungkot siya o panghihinaan ng loob ay titignan lamang nito ang larawan at ito na ang nagbibigay lakas loob sa kanya.
Makalipas ang apat na taon ay nakapagtapos na si Regine sa kursong Bachelors Degree of Arts in Liberal Arts and Commerce major in Communication and Marketing (LIAMCOM).
Napakalaki ng pasasalamat ni Regine sa kanyang mga magulang.
"As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger. And I want to thank my parents. Whatever achievements I have, it's because of them."
At dahil sa ganda ng kanyang background sa pag-aaral, agad siyang nakakuha ng trabaho sa isang food manufacturer sa Cebu.
“I am not ashamed to sell fish. My friends know about it but still they accept me for who I am! If I did not go through those challenges, wearing the toga will not be worth it. We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams,” sabi ni Regine.
"I should never forget where I came from. No matter how many achievements you have, humble yourselves and keep your feet grounded. I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor," dagdag ng dalaga.
Source: Noypi Ako
Anak ng isang Mangingisda, Nakapagtapos bilang Magna Cum Laude
Reviewed by pinoyako
on
March 06, 2021
Rating:
No comments: