Panoorin | Isang Among Arabo, tinuring pamilya at kasalo sa hapagkainan ang mga kasambahay na OFW
Sakripisyo at lakas ng loob ang kailangang mayroong ang isang OFW o Overseas Filipino Workers. May mga OFW na pinapalad na mababait at makatao ang kanilang amo, ang iba naman ay umuuwi pabalik sa bansa dahil minamaltråto ng amo.
Nag-viral naman sa Social Media ang isang video na nagpapakita na kasama at kasalo ng mga Arabong Amo ang kanyang mga kasambahay sa hapagkainanan. Kadalasan, sa bansang ito ay halos masasama ang mga tao at hindi makatao ngunit iba ang amo na ito kaya naman hinangaan ng marami.
Itinuring pamilya at hindi iba ang mga OFW na ito. Masaya silang nagsasalo-salo sa pagkain kasama ang amo at ang pamilya nito. Walang takot ang mababakas sa mukhang ng mga OFW kundi kasiyahan lamang.
Nakakamangha at nakakatuwa ang makanood ng ganitong klaseng pangyayari, dahil sa panahon ngyaon mas madalas na ang nababalitang mga OFW na talaga namang kakaawaan ng marami. Sa video na ito, nagpapakitang may mabubuti pa ding tao at ligtas sa kanilang pangangalaga. Hirap at pagtitiis ang malayo sa pamilya kaya naman mapapalad ang mga OFW na ito na mabuti ang kanilang amo.
Source: Noypi Ako
Panoorin | Isang Among Arabo, tinuring pamilya at kasalo sa hapagkainan ang mga kasambahay na OFW
Reviewed by pinoyako
on
February 28, 2021
Rating:
No comments: