Nilalakad araw-araw ng 80-anyos na Lolo makapagtinda lamang ng bagoong
Nag-viral ang naman ang isang post tungkol sa isang 80-anyos na lolo na naglalakbay ng humigit kumulang 20 kilometro araw-araw para lamang makapagtinda ng bagoong.
Kilala ang lolo bilang 'Tatay Lauro'. Si Tatay Lauro ay residente ng Bitukang Manok sa Pandi, Bulacan. Mag-mula Bitukang Manok, nilalakbay ni tatay Lauro hanggang Real Cacarong sa Pandi, Bulacan din.
Hindi hadlang ang edad ni tatay Lauro para kumayod sa pang araw-araw. Ang isang katulad ni tatay Lauro ay dapat na ginagawang halimbawa lalo ng mga kabataan ngayon na kailangan maging masipag lalo na sa paghahanap-buhay dahil hindi lahat, nakakakain ng masarap at nakakapagpahinga ng maayos.
Marami naman naawa kay tatay Lauro, mayroon ding mga humanga sa kanyang mga netizens.
“Kawawa naman si tatay, hindi na siya dapat maglako ng mga paninda. Kung may mga anak man siya, sana sila nalang ang maghanap buhay para sa magulang nila.”
“Masipag lang talaga si tatay. Ganyan kasi ang mga tatay, ayaw paawat kasi lalo lang sila magkakasakit kapag nagstay sa bahay.”
Kumikita si tatay Lauro ng P50.00 sa pagtitinda ng bagoong. Kaya naman imbis na mamasahe, nilalakad na lamang niya araw-araw ang pagtitinda bitbit ang isang timbang bagoong.
Dahil sa kahirapan, nagbabanat pa din ng buto si tatay Lauro para kahit papaano ay may naiuuwi itong bigas at pang-ulam.
Marami naman naawa kay tatay Lauro, mayroon ding mga humanga sa kanyang mga netizens.
“Kawawa naman si tatay, hindi na siya dapat maglako ng mga paninda. Kung may mga anak man siya, sana sila nalang ang maghanap buhay para sa magulang nila.”
“Masipag lang talaga si tatay. Ganyan kasi ang mga tatay, ayaw paawat kasi lalo lang sila magkakasakit kapag nagstay sa bahay.”
Source: Noypi Ako
Nilalakad araw-araw ng 80-anyos na Lolo makapagtinda lamang ng bagoong
Reviewed by pinoyako
on
February 27, 2021
Rating:
No comments: