BREAKING NEWS

Grupo ng Hikers, Maaaring Makasuhan sa Pagpitas ng Endangered na mga Halaman sa Marinduque


Isang grupo ng mga hiker ang maaaring makasuhan sa pagpitas nila ng mga endangered na mga halaman sa Marinduque.

Ayon sa facebook post ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), makikita ang iba't ibang uri ng mga endangered na halaman ang pinitas ng mga hikers.

Makikita sa larawan ang isang lalaki na may hawak pang isang bugkos ng endangered na pitcher plant na bibihira na halaman at bawal umanong kuhanin sa mga kagubatan.


"Based on the post sa internet, nakita natin 'yung species na very rare na pitcher plant. Ito 'yung talagang nasa top 10 natin na ipinagbabawal na kunin dito. 'Yun 'yung nakita nating mga ebidensiya na puwedeng gamitin when we file our case against them,"- ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones.

Ipinatawag umano ng DENR ang grupo ng mga hiker upang ipaliwanag ang ginawa nilang pagkuha ng mga naturang mga halaman.

Himingi naman ng paumanhin ang mga grupo ng hiker sa DENR dahil sa ginawa nilang pagpitas sa mga endangered na halaman.

"Humihingi po ako ng pasensiya at paumanhin, sadyang nadala lang po kami sa mga kagandahan ng halaman,"-saad ng isang hiker.

"Ako po'y humihingi talaga ng sorry, pinagsisisihan po naming lahat. Hindi ko rin po alam,"-
 ani pa ng isang pang hiker.

Ibinalik na ng mga hiker ang mga kinuha nilang mga halaman ngunit halos nalanta na ang iba.

Maaari umanong maharap sa kasong paglabag sa Wildlife Act of 2001 ang mga hiker na may multang P10,000 to P1,000,000 at pagkakakulong ng 10 araw hanggang 12 taon.

Source: Noypi Ako
Grupo ng Hikers, Maaaring Makasuhan sa Pagpitas ng Endangered na mga Halaman sa Marinduque Grupo ng Hikers, Maaaring Makasuhan sa Pagpitas ng Endangered na mga Halaman sa Marinduque Reviewed by pinoyako on February 12, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close