Anak ng Kasambahay at Barangay Tanod, Nagtapos ng Kolehiyo Bilang Cum Laude
Isang anak ng barangay tanod at kasambahay ang nakapagtapos ng kolehiyo bilang Cum Laude.
Walang kahit anong klaseng kahirapan ang kailanman kayang sumupil sa isang matayog na pangarap at mithiin ng isang estudyanteng puno ng pagpupursige, diskarte at ng dedikasyon.
Tunay na inspirasyon ang storya ng isang mag-aaral na kailanman hindi nawawalan ng pag-asa. Kahit pa lumaki sa hirap at kasalatan sa maraming bagay, hindi ito naging dahilan ni Jhonrick Orense upang limitahan ang tayog na pinapangarap niyang tagumpay.
Walang kahit anong klaseng kahirapan ang kailanman kayang sumupil sa isang matayog na pangarap at mithiin ng isang estudyanteng puno ng pagpupursige, diskarte at ng dedikasyon.
Tunay na inspirasyon ang storya ng isang mag-aaral na kailanman hindi nawawalan ng pag-asa. Kahit pa lumaki sa hirap at kasalatan sa maraming bagay, hindi ito naging dahilan ni Jhonrick Orense upang limitahan ang tayog na pinapangarap niyang tagumpay.
Kapwa hindi nakapagtapos ang kanyang mga magulang at tatlo pa niyang mga kapatid sa pag-aaral. Namamasukan umano bilang kasambahay ang kanyang Nanay at Barangay tanod naman ang hanapbuhay ng kanyang Ama.
Aminado ang mga magulang ni Jhonrick na pagka-graduate pa lang niya ng high school ay sinabihan na agad nila ito na huminto muna sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay at maghanap nalang ng mapapasukang trabaho.
Ngunit hindi siya nagpapigil sa desisyon ng magulang, siya na mismo sa sarili niya ang humanap ng oportunidad at mga paraan upang makapagpatuloy lang sa kolehiyo.
Sinekreto niya ang kanyang pagkuha ng mga exams sa ibat-ibang mga Unibersidad at Colleges. Hindi rin niya pinapalagpas ang pag-aaply sa lahat ng mga scholarship program meron na ini-ooffer ng local government unit maging ng mga paaralan.
Saka nalang niya sinabi sa kanyang pamilya nang makapag enroll na siya at lalo siyang nabuhayan ng loob sa suporta na binigay ang kanyang mga magulang na gagawin ang lahat hanggang makapagtapos siya.
Upang matustusan ang mga pangangailangan sa pag-aaral, pinasok niya ang pagraraket-raket gamit ang kanyang talento sa Art at tinatabi niya ang pera para hindi na popropblemahin pa ng mga magulang niya ang pang-allowance niya.
“Gumagawa din po ako logo ng mga student organizations, paintings like murals, tapos minsan nagju-judge at nagiging speaker din po ako ng mga workshops related to art,”
Humugot siya ng malaking inspirasyon sa kanyang mga magulang at sa estado ng kanilang kinamulatang pamumuhay na sobrang kahirapan.
“I finished my college kasi ayoko nang maulit yung mga moment na walang laman ‘yung bigasan namin. Asin ‘yung ulam ni tatay at baon niya sa trabaho tapos si inay kamatis lang at kape,”
Aminado ang mga magulang niya na lubos din silang nasasaktan kapagka may kailangan bilhin ang anak para sa pag-aaral pero hindi niya mabili-bili dahil 25 pesos lang ang allowance ni Jhonrick, pero dahil sa diskarte niya, napagkakasya niya ang pinaghihirapan ng kanyang magulang.
"Pag nakikita ko yung mga certificate at medals niya, masaya po ako. Napakasipag at matiyaga sa pag-aaral niyan. Pumapatak po luha ko sa tuwing nakikita kong sinasabitan siya." kwento ng Ama ni Jhonrick.
Nakapagtapos at grumaduate si Jhonrick sa International Peace Leadership College Tanay, Rizal sa kursong Bachelor of Arts degree in Journalism at nakatanggap ng mataas na parangal bilang isang Cum Laude.
May ibinahaging payo din siya sa mga katulad niyang kapos sa buhay pero may gustong patunayan at abutin na mga pangarap.
"Kung nakakapag-isip ka ng tama, better look for a ways at iba pang mga paraan pa bukod sa aasa lang tayo sa mga magulang natin. Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para matupad at mangyari ang gusto mo." salaysay niya.
“This is not to boast my achievements. Rather, this is to inspire and motivate everyone who think they can't. Just like you, I am just an ordinary person but I chose to do things extraordinarily,” pamamahagi niya ng inspirasyon.
Source: Noypi Ako
Anak ng Kasambahay at Barangay Tanod, Nagtapos ng Kolehiyo Bilang Cum Laude
Reviewed by pinoyako
on
January 28, 2021
Rating:
No comments: