BREAKING NEWS

Topnotcher sa Board Exam Noon, Nakapag-Patayo na ng Bahay Ngayon


Muli na namang naghatid ng inspirasyon ang babaeng ito matapos maging Top 2 sa Board Exam noong 2015, dahil napagawa na nito ang kanilang bahay.



Matatandaang marami ang humanga kay Lah Seraspi ng makapagtapos ito ng Bachelor of Science in Education Major in Biological Science sa Romblom University sa kabila ng kahirapan ng kanilang buhay.



Bukod kasi sa kubo ang kanilang tinitirahan ay wala pa raw umano silang kuryente ng panahong iyon, at maswerte na umano sila kapag may mai-uuwing 100 piso ang kanilang ama panggastos sa pangaraw-araw na pagkain.



Lahat ng pinagdaanan ni Lah ay naging dahilan para magsumikat sya sa buhay at maabot ang kanyang mithiin sa buhay.

Matapos ng limang taon ay napagawa na ni Lah ang kanilang bahay na dati umano ay kubo, ngayon ay bato na.


Dahil yan sa kasipagan, determinado at madiskarte ni Lah upang maiangat ang kanilang pamilya sa hirap.


Ito ang post ng isang page sa fb,


"Natatandaan nyo ba si Lah Seraspi? yung nag Top 2 sa Board Exam nung 2015 na nakatira lang sa maliit na kubo. Eto na po sya at ang bahay nya ngayon, Wala talagang imposible sa taong nagsisikap at madiskarte sa buhay.. wag lang tayo mawawalan ng Pag-asa sa at maniwala kay God at sa kakayahan natin."


Source: Noypi Ako
Topnotcher sa Board Exam Noon, Nakapag-Patayo na ng Bahay Ngayon Topnotcher sa Board Exam Noon, Nakapag-Patayo na ng Bahay Ngayon Reviewed by pinoyako on December 17, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close