BREAKING NEWS

Ama na Inipon ang Limang Taong Sahod, Pinang-Pagawa ng Kanilang Dream House



Hindi naman masamang mangarap ng higit pa sa kakayahan mo. Dahil sino bang mag aakala na baka balang araw eh mag iba ang ikot ng mundo. Walang mawawala kung mananatili kang pøsitibø.

Ang ama ng tahanan na si Randy Oliverio ay nangako sa kaniyang sarili na ang pamilyang kaniyang pinang hahawakan ay mag kakaraon ng isang maganda at maayos na pamumuhay.


Ang pangako niya sa kaniyang sarili, sa wakas ay natupad makaraan ang limang taong pagtitiis.

Wika niya, iyon na daw ang huling beses na makikita niya ang kanilang bahay na luma na maraming tapal dahil sa mga butas nito na nagdudulot ng perwisyo sa kanila sa tuwing umuulan.


Taong 2014, nang sinabi din niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang masiayos ang nilalait lait na tagpi tagping bahay.

Hindi naglaon nang makita ang malaking pagbabago sa bahay na minana pa niya sa kaniyang ama. Binase niya ang bahay na kaniyang ipinaayos sa blueprint na ginawa ng kaniyang ama bilang kanilang dream house.


“Pangarap talaga ng papa ko na maging two-story na my terrace ang bahay namin na tinitirahan, na minana pa n’ya sa magulang n’ya.Bata pa lang ako ay lagi kong nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house n’ya. Siguro mga tatlong beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house n’ya.


And praise God! Ang pangarap ng papa ko noon ay hindi na lang sa drawing ngayon kasi naging makatotohanan na. Nakulayan din sa wakas!” sabi niya

Ang perang ginamit niya sa pagpapasaayis g bahay na ito ay galing lahat sa kaniyang sahod at kita. Madami na daw ang nagpayo sa kaniya na mas dapat pagtuunan ng pansin ang negosyo kaysa bahay dahil dito tumatakbo ang pera.

Kahit na alam niyang tama ang mga sinasabi ng iba, mas pinili niyan unahin ang bahay na pinapangarap niya para sa kaniyang pamilya.

Kwento niya, “May isang successful person ako na narinig. Sabi n’ya, siguro kung buhay pa ang magulang n’ya ngayon, lahat ng gustong kainin ibibigay n’ya; lahat ng hilingin, kung kaya, ay ibibigay n’ya.

Siguro ngayon daw pinatayuan n’ya ng maayos na bahay kahit mansion pa. Kaso hindi na inabot ng magulang n’ya ‘yong pag-succeed niya.”

“Gusto ko ibigay sa magulang ko ‘yong gusto nilang pagkain na kaya pa nila lasahan at nguyain dahil hindi pa bawal.

Gusto ko rin mapuntahan nila ‘yong ibang lugar na kaya pa nilang i-enjoy habang naglalakad. Gusto ko ma-enjoy nila ‘yong akyat-baba sa second floor ng bahay na pangarap nila, na hindi pa sumasakit ang tuhod.

Iba rin pala ‘pag pamilya or magulang mo ang naging inspirasyon mo kasi binibigay talaga ni Lord,” 
dagdag pa niya

Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam ng isang matagumpay na tao lalung lalo na kung lahat ng ito ay para sa pamilya mo. Hindi ito mabilisan, kaya kaunting pagtitiis at kagipitan ang dapat maranasan.

Darating ang panahon, makakamit mo din ang lahat ng iyong pinapangarap.

Source: Noypi Ako
Ama na Inipon ang Limang Taong Sahod, Pinang-Pagawa ng Kanilang Dream House Ama na Inipon ang Limang Taong Sahod, Pinang-Pagawa ng Kanilang Dream House Reviewed by pinoyako on December 20, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close