Writer ng GMA, Sinabing Tama lang umano ang Suot ng Magsasaka at Kanyang Pamilya dahil Miserable daw ang Kanilang Buhay
Ayon umano sa writer ng GMA ay tama lang ang suot na damit ng magsasaka at pamilya nito sa isang module na kontrobersyal ngayon dahil ayon sa ibang netizens ay pamamaliit ito sa kapwa.
Ipinahayag ng isang GMA-writer na si Suzette Doctolero ang kanyang opinyon sa kontrobersyal na paglalarawan ng DepEd ng mga magsasaka sa isang module, kung saan ipinakita ang isang magsasaka at ang kanyang pamilya na nakasuot ng mga mala basahan na damit.
Ang kanyang komento ay lumabas matapos mag-viral muli ang DepEd sa social media dahil sa nasabing ilustrasyon.
Ayon sa GMA-writer sa kanyang post sa Twitter, sinabi niya na ang ilustrasyon ay tama sapagkat ang buhay ng mga magsasaka ay sobrang mahirap dahil nagkakaroon lamang sila ng mga bagong damit kung ito ay isang giveaway sa panahon ng isang halalan o kung ang mga tindahan ng hardware ay mamimigay ng mga libreng damit .
"Ah e ano ba akala sa damit ng mga magsasaka at pamilya? Branded? Tama ang drawing. Miserable ang buhay ng mga magsasaka natin. Nagkakabagong damit lang ang magsasaka ‘pag may libreng tshirt sa hardware (tuwing pasko) o give away sa election.'"
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa naturang ilustrasyon,
"Ang mali po at ang nakakabahala ay ang unang larawan. Walang problema sa kwento, ang mali ay ang unang illustration at ang nag-approve niyan."
"Sobrang makaluma, mapang-api at napag-iwanan na ng panahon ang mga konsepto na tinuturo sa mga bata."
"My Grandfather was a farmer and so are my cousins and uncles/aunts. I rarely see them dressed in rags. All of them made professional kids, us included. DepEd has a really big cut in each year's budget but can't hire a decent editor or proofreader."
Source: Noypi Ako
Writer ng GMA, Sinabing Tama lang umano ang Suot ng Magsasaka at Kanyang Pamilya dahil Miserable daw ang Kanilang Buhay
Reviewed by pinoyako
on
November 20, 2020
Rating:
No comments: