Vlogger na si Donnalyn Bartolome, Personal na Namahagi ng Rescue Boats para sa mga na-Stranded sa Baha
Hinangaan ng mga Netizens ang Vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos mamahagi ng rescue boats sa mga binahang lugar upang ma-rescue ang mga na-stranded sa baha.
"Personal na dinala ni Donnalyn ang kanyang mga donasyon na rescue boats sa Marikina City at Rizal kaya nasaksihan niya ang malaking perwisyo na iniwan ni Typhoon Ulysses."
Hinangaan ng marami ang vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang tapang at malasakit sa kapwa sa panahon ng sakuna.
Nang makita ni Donnalyn na lubog na sa baha ang Marikina City at ang ibang bayan sa Rizal dahil sa Typhoon Ulysses, gumawa siya agad ng paraan na puntahan ang naturang lugar para personal na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, kahit na residente siya ng Parañaque City.
Bumili at nag-donate umano si Donnalyn Bartolome ng mga rescue boats para sa mga kababayan nyang na stranded sa bubungan ng kanilang mga tahanan at humihingi ng saklolo habang sinasalanta ng Typhoon Ulysses.
Humingi rin siya ng pasensya kung nahirapan ang mga volunteers na sunduin ang mga stranded na residente pero nangako siyang ginagawa nila ang kanilang buong makakaya upang masagip ang mga tao.
Source: Noypi Ako
Vlogger na si Donnalyn Bartolome, Personal na Namahagi ng Rescue Boats para sa mga na-Stranded sa Baha
Reviewed by pinoyako
on
November 13, 2020
Rating:
No comments: