BREAKING NEWS

Jericho Rosales at Asawang si Kim, Sinagip ang mga Na-Stranded sa Baha Gamit ang Surfboards sa Marikina




Sinuong ni Jericho Rosales at ang kanyang asawang si Kim ang baha gamit ang Surfboards para sagipin ang kanilang mga kababayan na na-stranded sa Marikina.

“Ayaw na nilang lumabas ng bahay, e. Takot sila kasi gusto nila may coast [guard] sana,” - Jericho Rosales

Kabilang umano ang Marikina sa nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses.


Dahil sa tuluy-tuloy na buhos ng ulan, umabot na sa 22 meters ang water level sa Marikina River, mas mataas pa kesa sa level ng tubig nito na 21.5 meters noong rumagasa ang bagyong Ondoy.Dahil dito binaha din ang village kung saan nakatira ang celebrity na sina Jericho Rosales at Kim Jones.

Kaya naman gamit ang surfboards ng mag-asawa sumuong sila sa baha para tulungan ang kanilang mga ka-village sa Marikina City.



“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,” sabi ni Jericho. 


“Okay naman ['yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na 'yung agos and wala pang boats,” dagdag pa niya.

Matatandaan na taong 2009 ay ginawa din ni Jericho ang parehong pagtulong sa kanyang mga kababayan sa kasagsagan naman ng bagyong Ondoy.


Source: Noypi Ako
Jericho Rosales at Asawang si Kim, Sinagip ang mga Na-Stranded sa Baha Gamit ang Surfboards sa Marikina Jericho Rosales at Asawang si Kim, Sinagip ang mga Na-Stranded sa Baha Gamit ang Surfboards sa Marikina Reviewed by pinoyako on November 13, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close