Pulis at Tanod, Hinangaan Matapos Sagipin ang Tatlong Kataong Nalulunod sa Rumaragasang Baha
Hinangaan ng mga Netizan ang isang Police Officer at isang Barangay tanod matapos nilang lakas loob na sagipin ang tatlong kataong nalulunod sa rumaragasang tubig dahil sa bagyo.
Paghanga ang natatanggap ngayon ng isang police officer at isang barangay tanod makaraang mag-trending ang buwis-buhay nilang pagliligtas sa tatlong residente na nalulunod patawid sa rumaragasang tubig sa nabahang kalsada sa siyudad ng Ilagan City, Isabela.
Paghanga ang natatanggap ngayon ng isang police officer at isang barangay tanod makaraang mag-trending ang buwis-buhay nilang pagliligtas sa tatlong residente na nalulunod patawid sa rumaragasang tubig sa nabahang kalsada sa siyudad ng Ilagan City, Isabela.
Nakilala ang mga itinuturing na bayaning sina Patrolman Jayrick Talosig ng Isabela City Police Station at Barangay Tanod Richard Ocampo.
Hindi nag-alangan sina Talosig at Ocampo na iligtas sina Arnel Talaue na Sangguniang Kabataan Chairman ng barangay at dalawa pang residente nang makita nilang nalulunod ang mga ito patawid sa nabahang kalsada.
Pahayag ng police officer sa Bombo Radyo Cauayan, nauna na raw nilang pinaalalahanan ang dalawa na huwag tumawid sa kalsada dahil delikado pero hindi ito pinakinggan ng dalawa at nagpumilit.
Pinaalalahanan niya ang mga mamamayan na makinig sa mga abiso ng mga kinauukulan para sa kanilang kaligtasan.
Dahil dito, nakatanggap si Talosig ng “Medalya ng Kadakilaan” o Philippine National Police (PNP) Heroism Award. Kasama niyang nakatanggap si Patrolman Brayan Bangayan na nagligtas naman sa isang babae na nagdadalantao.
“I am proud of what the Valley cops are doing to help alleviate the sufferings of the typhoon victims. Let us continue to give our best to ensure that no further harm will be experienced by our people because of this disaster,” ang pahayag ni PRO-2 Director Brig. Gen. Crizaldo Nieves nang ibigay ang pagkilala sa dalawa.
Komento naman ng isang netizen, “Jayrick Talosig at Richard Ocampo, nakakahanga ang ang pagkatao ninyo. Huwaran kayo ng pagiging mabuting ugali ng mga Pilipino. Saludo po kami sa inyo.”
Source: Noypi Ako
Pulis at Tanod, Hinangaan Matapos Sagipin ang Tatlong Kataong Nalulunod sa Rumaragasang Baha
Reviewed by pinoyako
on
November 18, 2020
Rating:
No comments: