Online pre-registration para sa Philippine Identification System, Mag uumpisa na sa 2021
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PSA Deputy National Statistician Assistant Secretary Rosalinda Bautista na hindi na sila magbabahay-bahay para kolektahin ang demographic information ng bawat Pilipino.
Aniya, nagsagawa lamang sila ng pagbabahay-bahay sa unang hakbang ng registration dahil karamihan sa mga probinsyang inuna nila ay may mahina o walang access sa internet.
Ayon pa kay Bautista, mas mapapabilis ng online pre-registration ang pagproseso sa pagkuha ng National ID.
“So pagdating mo sa registration center, kumbaga ipu-pull lang nila yung record mo, iko-confirm nila iyon bago i-capture ang iyong biometrics.” Dagdag pa ni bautista
Nabatid na halos anim na milyong Pilipino na mula sa mga low-income households ang nakapagparehistro mula sa target na siyam na milyon ng PSA bago matapos ang taon.
Source: Noypi Ako
Online pre-registration para sa Philippine Identification System, Mag uumpisa na sa 2021
Reviewed by pinoyako
on
November 26, 2020
Rating:
No comments: