Lalaking may Kapansanan, Namalimos Para Makatulong sa mga Biktima ng Bagyo sa Marikina
Isang lalaking may kapansanan ang nanlimos upang makatulong sa mga biktima ng bagyong ulysses sa Marikina.
Isang natatanging tulong ang natanggap ng Lungsod ng Marikina buhat sa isang residente ng Barangay Mambugan, Antipolo na si Romeo Menil, 50 anyos na may kapansanan.
Si Menil ay nangolekta at nanghingi ng pera sa kalsada upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina.
Nakalikom ng halagang ₱12,390 si Menil kaya nagpasama siya sa kagawad ng kanilang barangay upang maiabot ang pera sa mga taga-Marikina.
Bagama’t may kapansanan, humanap pa rin ng paraan si Menil para makatulong sa kapwa.
Personal na tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang donasyon mula kay Ginoong Menil.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Marcy sa katangi tanging ginawa ni Menil na dapat tularan.
Source: Noypi Ako
Lalaking may Kapansanan, Namalimos Para Makatulong sa mga Biktima ng Bagyo sa Marikina
Reviewed by pinoyako
on
November 16, 2020
Rating:
No comments: