VP Leni, Hindi Imbitado sa Pagpupulong ng Gabinete Ayon sa Malacañang
Hindi inimbitahan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo sa gaganaping Cabinet meeting sa Oktubre 12 dahil hindi umano sya miyembro ng gabinete ayon kay presidential spokesperson Harry Roque Jr.
“Siya ay Pangalawang Pangulo pero hindi po siya miyembro ng Gabinete kaya hindi po siya maiimbita sa Cabinet meeting,”- saad ni Roque.
Pinatawag ni Pangulong Duterte ang lahat ng miyembro ng gabinete para talakayin umano ang pagbubukas ng ekonomiya at hamon pampublikong transportasyon sa kalagitnaan ng pandemya.
Itinakda ni Duterte ang pagpupulong matapos ang panawagan kamakailan ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa pamahalaan na patuloy ng buksan ang ekonomiya kasunod ng pagtaas ng kagutoman at malnutrisyon sa mga bata.
“Marami na ang naghihirap dahil sa pinakahabang lockdown natin. Kaya na ba natin na bigyan ng lunas ‘yung mga matinding magkakasakit o ‘yung mga severe o critically-ill dahil sa COVID-19 para mabuksan ang ekonomiya? ‘Yan po ang bibigyan ng kasagutan,”-dagdag pa ni Roque< /div>
Source: Noypi Ako
VP Leni, Hindi Imbitado sa Pagpupulong ng Gabinete Ayon sa Malacañang
Reviewed by pinoyako
on
October 07, 2020
Rating:
![VP Leni, Hindi Imbitado sa Pagpupulong ng Gabinete Ayon sa Malacañang](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhxr_fnpsuDQ8ixqPP27H2D79Wo1gK97QITJT5ZLWzUAxNjqd0hsfOIj9YJr991jOCU9kAHpNw_kqaC7nQH045601HTzknu2ptT2plxMCjun92dLYMT0d0nwG5A4yaclnU8I9YrUdcqEDU/s72-c/vp.png)
No comments: