BREAKING NEWS

PANOORIN! | Sakristang Babae na Hinalay ng Pari, Inaalok ng P100K para Iurong ang Kaso




Isang babaeng sakristan ang hinalay umano ng isang pari at inaalok ito ng P100,000 para hindi na umano ituloy ang kaso.

Labis na nag-aalala ang kaanak lalo na ang ina ng sakristang babae na ginah@sa umano ng isang pari sa Lala, Lanao Del Norte.

Ayon sa ina ng biktima, madalas tulala ang kanyang anak at nagkukulong lang sa kwarto.


Sa labis na kahihiyan nagpasya ang mga ito na umalis muna sa kanilang tahanan at pansamantalang ilayo ang anak.

Subalit ang isa pang masakit aniya, inalok umano siya ng 100,000 piso ng isang ring pari na kaibigan ng suspek upang iurong umano ang kaso.


"Sabi ko sa kanya pag-isipan ko muna ang nangyari sa aking anak" sagot ng ina ng alukin umano ito ng pera.

Kinumpirma naman ng hepe ng police station ng Lala na may nag-alok nga ng pera sa kaanak ng biktima.


"Marami akong narinig na mayroong nag-ooffer at everyday daw tumataas ang offer" - saad ng Pulis

Sa ngayon, hinihintay pa ang resolusyon ng piskalya dahil narin sa kahilingan ng suspek na magkaroon ng imbestigasyon sa kaso at masagot ang akusasyon ng biktima.


Source: Noypi Ako
PANOORIN! | Sakristang Babae na Hinalay ng Pari, Inaalok ng P100K para Iurong ang Kaso PANOORIN! | Sakristang Babae na Hinalay ng Pari, Inaalok ng P100K para Iurong ang Kaso Reviewed by pinoyako on October 21, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close