BREAKING NEWS

Lola, Napilitang Magbenta ng Marang Kahit Pinagbabawal ang Paglabas ng Matatanda



Isang Lola ang napilitang magbenta ng marang sa gilid ng kalsada kahit ipinagbabawal ang paglabas ng mga matatanda.

Ayon kay Aling Zenaida Paglinawan, 65, taga-Purok 2, Barangay Kawit ng banyan ng Kauswagan, hindi makatutulong sa kanilang mag-asawa ang mga anak nila dahil nawalan din ng mga trabaho ang mga ito dulot ng pandemya.


Ayon pa kay Aling Zenaida, nakiusap siya sa mga awtoridad na payagan umano siyang magbenta ng marang sa tabing-kalsada malapit sa kanilang bahay para kahit papaano ay magkaroon siya ng hanapbuhay.

Ipinagbabawal ang paglabas-labas ng mga matatanda dahil madali na sila umanong kapitan ng mga sakit, lalo na ang kumakalat ngayong C0VID-19.

Ngunit sabi ni Aling Zenaida, sawa na umano sila sa kakakain ng kamote. Noong wala pa ang pandemya, nagtitinda siya ng isda at ibang mga lamang-dagat na ibenebyahe pa niya sa Iligan City Market.

Sabi pa nito, mula noong Marso hindi na siya pinapayagang sumakay ng kahit anong uri ng pampublikong sasakyan. Kaya nawalan siya ng hamapbuhay.

Noong unang pagpasok ng pandemya ay nakakayanan pa nila na makakain ng maayos dahil nagbibigay pa ng ayuda ang lokal na pamahalaan. Ngunit ng tumagal ay wala na silang natatanggap na ayuda kaya panay kamote na lang at lugaw ang kanilang kinakain.

Sabi pa ni Lola Zenaida, mabuti na lamang ay namumunga na ang kanilang puno ng marang dahil meron siyang maiibenta para sa kanilang panggastos sa araw-araw.

Pinagsabihan na lang umano sya ng mga pulis na hueag na lang masyadong lalapit sa kanyang mga kustomer para maiwasan na mahawaan sya ng C0VID-19.

Source: Noypi Ako
Lola, Napilitang Magbenta ng Marang Kahit Pinagbabawal ang Paglabas ng Matatanda Lola, Napilitang Magbenta ng Marang Kahit Pinagbabawal ang Paglabas ng Matatanda Reviewed by pinoyako on October 11, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close