BREAKING NEWS

Lalaki, Tumama ng P339M Lotto Jackpot sa Quezon City



Isang maswerteng lalaki ang kinuha ang kanyang cheke na nagkakahalaga ng P339,217,037 matapos nitong tumama sa lotto.

Kinuha ng lalalaki ang cheke ng kanyang napanalunan sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City, ito ay binola noong Setyembre 6, 2020.

Ayon sa nanalong lalaki na isang residente sa Quezon City, mula ngayon alam na umano nya kung paano nya mapapagtapos ang kanyang anak at mabibigyan ng magandang buhay ang mga ito at magandang kinabukasan.



"Ngayon, alam ko na kung paano ko mapapatapos at mabibigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang aking mga anak,"- saad ng lalaking tumama sa Lotto.

Solo nitong napanalunan ang jackpot price matapos nyang makuha ang lahat ng kombinasyon na numero na 18-19-28-09-01-11.


Ito ang naturang post,

JACKPOT: Na-claim na kahapon ng nag-iisang lotto player ang cheke para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P339,217,037 na binola noong Setyembre 6, 2020.

Kinuha ng lalake ang cheke sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.

"Ngayon, alam ko na kung paano ko mapapatapos at mabibigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang aking mga anak," pahayag ng lalakeng residente ng Quezon City. | via PCSO




Source: Noypi Ako
Lalaki, Tumama ng P339M Lotto Jackpot sa Quezon City Lalaki, Tumama ng P339M Lotto Jackpot sa Quezon City Reviewed by pinoyako on October 08, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close