BREAKING NEWS

DepEd, Pinaalalahanan ang mga Guro na Limitahan ang Assignments ng mga Estudyante




Pinaalalahanan ng DepEd ang mga Guro na limitahan lang umano ang mga assignments na binibigay nila sa mga estudyante.

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga guro na limitahan ang pagbibigay ng mga homework o assignments sa mga estudyante ngayong pinaiiral na ang blended learning.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, dapat ay sundin din ng teacher ang nasasaad sa DepEd Memorandum No. 392 na ibinaba noong 2010 kung saan sinasabing huwag masyadong tambakan ng assignments ang mga mag-aaral sa elementarya kahit weekdays, at dapat ay wala na ito kapag weekends.


Ito ay sa gitna ng mga reklamo ng mga magulang na natatambakan ang kanilang anak ng mga gagawing assignments at modules at nahihirapan ang mga ito para maghabol sa pagpapasa dahil sa kakapusan sa oras.

Ipaaalala umano muli ng DepEd ang nasabing memorandum sa mga guro upang bigyan ng pagkakataong makapag-adjust ang mga bata sa online learning.


“Nauunawaan po natin ‘yan. Magre-remind po tayo officially na kailangan yatang mag-synchronize. Meron na po kaming suggestion sa kapag homework na hindi sabay-sabay na mayroon,” ani San Antonio.

Ipinaalala rin ni San Antonio na ‘optional’ lang umano ang pagsagot sa mga exercises sa modules. Mayroon daw kasi silang natatanggap na ulat na kahit Sabado at Linggo ay may pahabol pa na gawaing natatanggap ang mga bata.


“Kahit Sabado at Linggo nagte-text pa si teacher ng dagdag na gagawin, maliban doon sa mga nakasulat doon [sa modules]. So yun po yata ang hindi dapat gawin,” giit ng DepEd official.

Bukod sa dapat ay tantiyahin lang mga guro ang asssignments na pasasagutan, kailangan din daw na makatarungan din ang deadline na ibibigay sa pagpapasa ng modules.

Wika pa ni San Antonio, kung ano lang ang kaya ng mga bata ay iyon lang ang ipagawa. Hindi naman umano ito ang panahon para maging ‘’super higpit’ ang mga teacher sa kanilang ipinagagawa sa mga estudyante.

Source: Noypi Ako
DepEd, Pinaalalahanan ang mga Guro na Limitahan ang Assignments ng mga Estudyante DepEd, Pinaalalahanan ang mga Guro na Limitahan ang Assignments ng mga Estudyante Reviewed by pinoyako on October 16, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close