BREAKING NEWS

Anak na "with high honors", inialay ang tagumpay sa amang magsasaka



Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng isang anak na super proud sa kanyang ama na siyang naging dahilan kung bakit siya nakapagtapos ng senior high school.


Nalaman ng Trending Bytes na isang magasasaka ang ama ni Ela Sullano na siyang sumusuporta sa kanyang pag-aaral.


"Nakapagtapos ako dahil sa dugo't pawis ng aking ama," pagmamalaki ni Ela sa kanyang tatay.



Mapapansin namang hindi binigo ni Ela ang masipag niyang tatay dahil sa dami ng medalya na kanyang natanggap dahil sa husay na ipinamalas niya sa kanyang pag-aaral.


Ang ama naman niya ay hawak ang mga sertipiko na nagpapakita na "with high honors" ang nakamit ni Ela dahil sa taas ng kanyang marka.


Kitang-kita sa larawan kung gaaano kasaya ang mag-ama sa tagumpay na nakamit ni Ela.



May hashtag pa na #ProudDaughterOfAFarmer ang post ni Ela bilang pagpupugay sa kasipagan ng ama upang maitaguyod lang ang kanyang pag-aaral.


Sa ngayon, first year accountancy student na si Ela at umaasa ang marami na makakatapos din ito ng kolehiyo at magtatagumpay sa propesyong kanyang napili.


Umabot na sa 179,000 ang mga positibong reaksyon ng post ni Ela at naibahagi na rin ng nasa 43,000 na beses ang nakaka-inspire nilang kwento.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:


"Nakakatuwa ka iha, talagang mawawala ang pagod ng tatay mo dahil sa nasuklian mo rin naman ang kanyang mga paghihirap"


"Magsilbing inspirasyon ka nawa sa ibang mga kabataang pinagsusumikapan ng kanilang mga magulang mapag-aral"


"Super proud din sayo papa mo kasi mahusay kang mag-aaral. Ipagpatuloy mo lang yan"


"Congratulations sa inyo, pagbutihin mo pa ang pag-aaral para sa inyong pamilya"


"Pagpapalain ka ng Diyos dahil isa kang mabuting bata, hindi mo sinasayang ang hirap ng iyong mga magulang"


Source: OMG Balita
Anak na "with high honors", inialay ang tagumpay sa amang magsasaka Anak na "with high honors", inialay ang tagumpay sa amang magsasaka Reviewed by pinoyako on October 06, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close