19-anyos na lalaki, 10 araw na nagbisikleta mula Parañaque pauwing Samar
Isang 19-anyos na lalaki ang nagawang magbisikleta mula Parañaque City pauwi sa kanyang probinsya sa Eastern Samar.
Nalaman ng Trending Bytes na wala umanong pamasahe pauwi ang lalaking nakilalang si Peter Roncales.
Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nakarating na sa munisipalidad ng Taft si Peter nito lamang Lunes, Setyembre 21. Tinatayang nasa 1000 kilometro na ang layo nito mula sa kanyang pinanggalingang lungsod.
Hindi na umano nagdalawang isip ang binatilyo na gamitin ang bisikleta sa pag-uwi niya ng probinsya gayung wala umano siyang pamasahe.
Sa ulat ng Manila Bulletin, binahagi ng netizen na si Christian Evardone ang larawan ni Peter na pagod na pagod mula sa mahigit isang linggong pagpe-pedal ng bisikleta.
Nasa 38 kilometro pa ang layo ng Taft sa Oras, Eastern Samar kung saan mismo ang destinasyon ni Peter.
Sa Facebook post ng Taga Ormoc Daily, nasabing sinikap makauwi ng binatilyo upang makapiling na lamang ang kanyang pamilya lalo na at matinding pagsubok ang kanyang kinaharap dala ng pandemya.
Sa pinakahuling update kay Peter, nasundo na umano siya ng sasakyan mula sa oras.
At dahil mula pa siya ng Maynila, idiniretso muna siya sa quarantine facility sa kanilang bayan. Mamalagi siya doon sa loob ng 14 araw upang masigurong wala siyang dalang virus sa kanyang pamilya.
Marami sa ating mga kababayan ang doble ang pahirap na dinaranas dahil sa COVID-19.
Hindi lamang ang takot na magkaroon ng virus ang iniintindi kundi ang maaring pagkakitaang gayung marami sa atin ang nawalan ng hanapbuhay kaya naman walang kinikita.
Source: OMG Balita
No comments: