BREAKING NEWS

PNP inilabas na mugshots ni Bong Revilla, iba pang akusado sa maanomalyang flood control project sa Bulacan

INILABAS ng Philippine National Police (PNP) ang mga blurred mugshot ng dating senador na si Ramon "Bong" Revilla Jr. pati na rin ng iba pang mga akusado kaugnay ng umano'y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa isang press conference, nilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang special treatment sa dating senador matapos hindi agad ilabas sa media ang kanyang mugshot.

"Dumating po siya sa Crame ng lumampas alas 10 [ng gabi], bago natapos yung processing, ala-una [ng umaga]. Bago namin siya dinala sa Crame alas 10 ulit ng umaga. So hindi na kami nagkaroon ng oras para ma-process lahat yan," saad ni Remulla.

Pagpapatuloy pa niya, "Wala naman talaga akong balak na itago yan. Ang bilis lang talaga ng pangyayari. Kasi nga, intindihin niyo hatinggabi lahat nangyari 'yan…I hope that clears everything na nandoon siya. I'd like to repeat, walang special treatment."

Baka Bet Mo: Bong Revilla bigong makapagpasok ng damit, gadgets sa kulungan

Noong Lunes ng gabi, sumuko si Revilla sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan Third Division laban sa kanya at sa ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kasong malversation.

Bukod kay Revilla, kabilang sa mga respondent sa kaso ang mga sumusunod:

  • Dating DPWH Bulacan First District Engineering Office (DEO) assistant district engineer na si Brice Hernandez
  • Dating DPWH Bulacan First DEO Engr. Jaypee Mendoza
  • Dating DPWH Bulacan First DEO Engr. Arjay Domasig
  • Dating DPWH Bulacan First DEO Engr. Emelita Juat
  • Dating DPWH Bulacan First DEO finance section chief na si Juanito Mendoza, at
  • DPWH Bulacan First District Engineering Office cashier na si Christina Pineda

Ang mga mugshot ng mga kasamang akusado ni Revilla ay inilabas noong Martes.

Bago ang kanyang pagsuko, nakipag-usap ang dating senador sa kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng Facebook Live kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa umano'y "lack of due process" na nauwi sa pag-isyu ng arrest warrant at hold departure order (HDO) laban sa kanya.

Si Revilla, na natalo sa kanyang reelection bid noong 2025 ay nagpahayag ng lungkot sa mga nangyari ngunit iginiit na haharapin niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Inamin naman ni Remulla, batay sa kanilang dekada nang pagkakaibigan, na naapektuhan siya sa pagkakaaresto kay Revilla, ngunit iginiit niya ang kanyang tungkulin bilang Kalihim ng DILG.

"Sabi ko naman, this is my last gesture of friendship to you. Dadalhin ka na dito habang hindi ka pa na-arraign. So pag-serve ng warrant, nag-surrender siya. Sabi ko ako na maghahatid sayo.

"Of course, sino dito may kaibigan na nakulong? It pains me to see a friend go to jail. But my commitment to the country goes beyond any friendship in this country. Uunahin ko muna ang bansa kahit anong nangyari," sey ni Remulla.

The post PNP inilabas na mugshots ni Bong Revilla, iba pang akusado sa maanomalyang flood control project sa Bulacan appeared first on Bandera.


PNP inilabas na mugshots ni Bong Revilla, iba pang akusado sa maanomalyang flood control project sa Bulacan PNP inilabas na mugshots ni Bong Revilla, iba pang akusado sa maanomalyang flood control project sa Bulacan Reviewed by pinoyako on January 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close