Bea Alonzo, Vincent Co niyaya ni John Lloyd tumambay, ipagluluto ng dyowa

NAGPASABOG ng kilig at good vibes si John Lloyd Cruz sa social media matapos imbitahan ang dating ka-loveteam na si Bea Alonzo na tumambay sa kanyang bahay.
Pinusuan at ni-like ng netizens ang naging komento ni Lloydie sa Instagram post ni Bea kung saan makikita ang kanyang mga litrato habang namamasyal sa Central Europe kasama ang isang taong hindi niya pinangalanan.
Nag-upload si Bea sa IG mga pictures at video na kuha sa paglalamiyerda sa bansang Croatia, kabilang na riyan ang Dubrovnik, na mas kilala sa tawag na King's Landing, na ginamit bilang capital ng "Seven Kingdoms" sa HBO series na "Game of Thrones."
Sey ni Bea sa caption, "Finally made it to King's Landing (face holding back tears emoji) (aka Dubrovnik for the non-GoT fans) — and yes, I'm still smiling even though my luggage went missing on the way (laughing emoji)."
Narito ang mga pinaggagawa ni Bea sa Croatia:
• Strolling the famous Stradun from above
• Walking the old city walls with unreal views
• Sunshine, waves, and little cliffside swims
• A quiet pause in between all the wandering
• Exploring Rector's Palace
• Kids swimming by the cliffs
• Gelato heaven at Peppino's (a must!)
• Tried their local Peka—so good
• A few glasses of Croatian wine later…
• Luvrijenac Fortress (where Myrcella sailed for Dorne)
• The famous "Shame" stairs of Queen Cersei
Chika pa ng Kapuso actress, "What an adventure — Dubrovnik, Croatia truly feels like stepping straight into Westeros (sparkles emoji)."
Mababasa sa comments section sa post ni Bea ang message ng isa sa mga BFF niyang si Dimples Romana. Aniya, "Love seeing you so happy. Let's date naaaa!"
Sagot ni Bea sa kanya, "@dimplesromana Mars! Sobrang miss na kita!! Dinner na please! Love you!"
Mababasa naman ang komento ni John Lloyd sa IG photos ni Bea gamit ang Instagram account niyang may handle name na @dumpsitegallery.
In-invite ng award-winning actor si Bea at ang boyfriend nitong si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club, na pumunta sa bahay niya.
Ipatitikim daw niya sa mga ito ang luto ng kanyang girlfriend na si Isabel Reyes kapag nagkita-kita sila
Ani John Lloyd, "Tambay tayo dito sa bahay pag may time kayo ni boss Vincent @beaalonzo
"Will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook (cook emoji) sarap magluto yon (smiling face with hearts emoji)."
Narito ang mga comments ng netizens na kinilig sa mensahe ni John Lloyd kay Bea.
"Nag iinvite si Popoy oh.. gustong kilatisin asawa mo "
"Awww my popoy and basha."
"Kilig pa din, despite may sarili na sila partners..happy for them."
"Myyyy goooddd! Please if matuloy to wag niyo naman ipagkait sa amin ang photos."
"Wow very supportive kay bea. Masaya na kami na kahit hindi kayo nagkatuluyan ay nanatili ang close friendship nyo, siguro soulmate lang talaga kayo. Masaya na kami Sana magka movie ulit kayo."
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa sumasagot si Bea sa paanyaya sa kanya ni John Lloyd.
The post Bea Alonzo, Vincent Co niyaya ni John Lloyd tumambay, ipagluluto ng dyowa appeared first on Bandera.
No comments: