Sharlene San Pedro Shared Her College Journey: "Challenging siya kasi online"
Lubos ang kasiyahan ng aktres na si Sharlene San Pedro nang matupad niya ang pangarap na makatapos sa kolehiyo. Kamakailan lamang nang ibahagi niya na siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Psychology sa OED o kilala bilang AMA University Online Education. "Very happy. Hindi pa rin gaanong nagsi-sink in sa akin na naka-graduate na ako. Kasi wala po kaming proper na face-to-face graduation, naka-online lang at naka-Facebook live.
"Pero hinihiling ko rin talaga noon na maka-akyat sa stage. Tsaka 'yung parents ko siyempre, 'yun ang hinihintay. Pero lately na-realize ko na kailangan ko pa bang hintayin 'yun para maka-graduate ako, eh hindi nga natin alam kung kailan babalik sa normal. At ang tagal tagal kong hinintay 'to," ani Sharlene.
"Nung na-realize ko 'yun, sobrang thankful ako na, my goodness, graduate na nga ako. Nung nakita ko 'yung grad pic ko, doon ko lang na-realize na naka-graduate na ako."
"Challenging siya kasi online eh. Hindi pa nag-o-online ang lahat, wala pang pandemic, ako online na. Walang prof, walang teacher, nagka-prof lang ako nung nag-thesis ako. Pero 'yung pag-aaral, kailangan talaga 'yung comprehension mo ay nag-uumapaw para ikaw eh makapasa. Kasi napaka-daming readings, tapos after ng babasahin mo, may quiz agad. So doon magkakaalaman. Medyo hirap pero sobrang pasasalamat ko dahil nairaos ko," aniya.
Bagamat nahirapan siya ay sinikap ni Sharlene na balansehen ang kanyang oras sa pag-aaral at sa kanyang showbiz career.
"Medyo mahirap sa time. Pero nasa sa 'yo rin 'yan kung paano mo [ima-manage 'yung time mo]. Dapat may time management ka, kung kailan mo isisingit 'yung mga modules mo, 'yung mga kailangan mong basahin. Minsan papunta na sa work, nagbabasa pa ako, nagki-quiz pa ako. Kumbaga 'pag nasa byahe ganun ang pinagkakaabalahan ko kapag alam kong may free time. Ayaw ko kasi nung natatambakan. Tapos kada araw nagse-set ako ng goal na dapat ganito karami 'yung mabasa ko para matapos ko in 3 months itong 24 units. Ganun," aniya.
"'Yung pamilya ko ang parang nagpu-push sa akin lagi at tumulong para mairaos ko 'to. Kasi talagang prinomise ko sa parents ko na kahit gaano kahirap, kahit gaano karaming trabaho ang mangyari sa akin, hindi ko igi-give up ang pag-aaral. Kasi alam ko na 'yung showbiz hindi naman forever. Lagi kong sinasabi sa kanila 'yan," aniya.
"Sobrang importante [para sa akin na makapagtapos ako] kasi alam ko naman na 'yung showbiz, hindi forever. Ayaw ko nung nakaasa lang ako sa pag-aartista ko, sa mga trabahong binibigay sa akin dito sa industry. Ayaw ko nung kapag wala na, hindi ko alam kung anong gagawin ko. So parang ako, lagi kong iniisip na kung hindi ako artista, dapat may back up plan ako eh. So kung hindi man ako artista, pwede na ako mag-apply ng trabaho kung sakali kasi nakapagtapos na ako. Pwede na akong mag-apply kung saan ko gusto."
Nagbigay naman ng mensahe si Sharlene sa kapwa niya working student. "Siyempre hindi siya madali. Parang sa una, sasabihin mo, kayang kaya naman 'to. Pero may mga days talaga na kaunti na lang magbe-breakdown ka na sa hirap tapos hindi mo alam kung paano mo matatapos. Ang maa-advice ko lang, matatapos mo 'yan. At the moment ka lang talaga mahihirapan, na parang imposibleng matapos mo. Pero lahat ng binibigay na load sa 'yo, kayang kaya mo. Talagang sinusubok ka lang," aniya.
"At ang buhay ay continuous learning. So kung may opportunity na kailangan mong mag-aral or parang sign na, uy, need mo mag-aral, i-grab mo na. Kasi kakailanganin mo 'yan in the future, sigurado," sabi pa niya.

Source: Noypi Ako
Sharlene San Pedro Shared Her College Journey: "Challenging siya kasi online"
Reviewed by pinoyako
on
June 12, 2022
Rating:
No comments: