BREAKING NEWS

Sen. Hontiveros, Sinabing Mas Maganda Kung Education Expert Ang Mamuno sa DepEd



Si Sen. Risa Hontiveros ay nagbigay ng pahayag hinggil sa mga balita tungkol sa Department of Education, kung saan pumayag na si presumptive vice president Sara Duterte na pamunuan ang nasabing ahensya. Sa "Rundown" ng ANC, sinabi ng senadora na kailangang isang education expert ang mamumuno sa DepEd.




"I don't know what the incoming, the presumptive vice president’s track record is in education. I would have guessed other education experts to helm that important department," ani ng Senadora.

Ayon sa senador, isa ang DepEd sa mga departamentong tumatanggap ng pinakamalaking budget at ang mandato ng ahensya ay konektado sa paglaban sa historical revisionism.

"Napakahalaga sana… na ang hahawak ng education department—ang magpapatupad nung kaka-sponsor lang namin sa Senado na Education Commission II, ang tutugon sa iba’t ibang problemang sa ating namuong education crisis pre-pand3mic up to during the pand3mic until now—ay isang education expert," pahayag ni Sen. Hontiveros.




Si Ana Theresia "Risa" Navarro Hontiveros-Baraquel ay isang Pilipinong politiko, mamamahayag, at pinuno ng komunidad. Ipinanganak siya noong Pebrero 24, 1966. Nanalo siya ng puwesto sa Senado ng Pilipinas, na pumuwesto sa ika-9, noong 2016 pangkalahatang halalan. Dati, nagsilbi siya bilang kinatawan ng sektor ng Akbayan sa Philippine House of Representatives mula 2004 hanggang 2010.

Source: Noypi Ako
Sen. Hontiveros, Sinabing Mas Maganda Kung Education Expert Ang Mamuno sa DepEd Sen. Hontiveros, Sinabing Mas Maganda Kung Education Expert Ang Mamuno sa DepEd Reviewed by pinoyako on May 13, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close